SLP, nanawagan ng pakikiisa sa Penitential Walk for Life 2026

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,058 total reads

Nanawagan ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas sa lahat ng mananampalatayang layko na makiisa sa nalalapit na Penitential Walk for Life 2026.

Napiliping tema ng Walk for Life 2026 ngayong taon ang “Walk for Life! Walk for Unity as One Nation!” na nakatakda sa ika-20 ng Marso, 2026 mula alas-tres ng hapon hanggang alas-otso y medya ng gabi sa Intramuros, Maynila.

Ayon sa implementing arm ng Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity, mahalaga ang pagtindig ng bawat layko bilang saksi sa kabanalan ng buhay at sa patuloy na pagtatanggol dito.

Paliwanag ng SLP, ang taunang Walk for Life ay higit pa sa isang paglalakad sapagkat ito ay panalangin na isinasabuhay sa pamamagitan ng pagsasakripisyo para sa Panginoon, at malinaw na patotoo sa sambayanan na ang buhay ay sagrado, mahalaga, at dapat ipagtanggol.

“Laiko ng Pilipinas, Rise! Join the Walk for Life 2026! On March 20, 2026, from 3:00 PM to 8:30 PM, let us gather at Intramuros, Manila, and boldly proclaim our unwavering commitment to defend and protect the gift of life. As Laiko ng Pilipinas, we are called to be at the forefront of this mission. This is more than a walk—it is our prayer in action, our sacrifice to the Lord, and our witness to the nation that life is sacred, life is precious, and life must be defended.” Ang bahagi ng paanyaya ng LAIKO.

Pagbabahagi ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas, ang nakatakdang gawain ay iaalay rin bilang pananalangin para sa mga hindi pa isinisilang, sa mga mahihina at walang boses sa lipunan, at sa lahat ng nakararanas ng pag-atake sa kanilang dignidad.

Bahagi rin ito ayon sa LAIKO ng pagsusumamo para sa bayan na manatiling isang bansang kumikilala at nagtataguyod sa buhay na naaayon sa plano ng Diyos.

Hamon ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas sa bawat isa ang tumindig, dumalo at maglakad ng may tapang, bitbit ang pananampalataya, pagpapahalaga at paninindigan para sa kasagraduhan ng buhay na kaloob ng Panginoon sa bawat isa.

“Let us offer this walk as an intercession for the unborn, for the vulnerable, for those whose dignity is under attack, and for our country—that we may always be a people who value and uphold life according to God’s plan. Do not remain on the sidelines. Your presence matters. Your witness matters. Stand up. Show up. Walk with courage. Walk with faith. Walk for Life.” Dagdag pa ng LAIKO.

Magsisimula ang pagtitipon ganap na alas-dos ng hapon sa Baluarte Plano Luneta de Sta. Isabel, Intramuros na susundan ng Penitential Walk with Via Crusis ganap na alas-kwatro kinse ng hapon kung saan sa diwa ng pagkakaisa at pananampalataya ay sama-samang maglalakad ang lahat patungong Minor Basilica and Metropolitan Cathedral o Manila Cathedral kung saan isasagawa ang pagdiriwang ng banal na misa at maikling programa ganap na alas-syete y medya ng gabi.

Ang Walk for Life ay unang isinagawa noong 2017 sa pangunguna ng Sangguniang Layko ng Pilipinas na implementing arm ng CBCP – Episcopal Commission on the Laity na naglalayong ipahayag ang mariing paninindigan para sa buhay na hindi lamang nakatuon sa usapin ng extra-judicial killings kundi sa iba pang usapin na malaking banta sa buhay ng tao at maging ng kalikasan.

Ang Sangguniang Layko ng Pilipinas ang nangangasiwa sa iba’t ibang National Catholic Lay Organizations sa bansa kasama na ang iba’t ibang archdiocesan at diocesan Councils of the Laity mula sa 86 na diyosesis at arkidiyosesis sa buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 77,324 total reads

 77,324 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 172,096 total reads

 172,096 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 216,364 total reads

 216,364 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 239,473 total reads

 239,473 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 311,127 total reads

 311,127 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top