Archbishop Villegas sa ika-40 taon ng EDSA: “Murderers cannot be leaders”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,853 total reads

Iginiit ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na hindi dapat pahintulutang mamuno ang mga sangkot sa pagpaslang kasabay ng paggunita sa ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Sa kanyang homiliya na may paksang “They Have No Wine (John 2:3): From Memory to Action,” sa kapistahan ng Mary Queen of Peace sa National Shrine of Mary, Queen of Peace of EDSA Shrine mariing sinabi ng arsobispo na, “Murderers cannot be leaders.”

Binigyang-diin ni Archbishop Villegas na ang pamumunong may kaakibat na karahasan at pqglabag sa karapatang pantao ay salungat sa diwa ng People Power noong 1986.

“That kind of leadership must not be given another chance in this country. That is not EDSA,” ani Archbishop Villegas.

Inihalintulad din ng arsobispo ang kasalukuyang kalagayan ng bansa sa tagpo sa kasalan sa Cana kung saan naubusan ng alak.

“We confront our betrayals, repent, and rise. Our wine is running out,” pahayag ni Archbishop Villegas, sabay panawagan ng pagsisisi at pagbabalik sa tunay na diwa ng EDSA.

Ayon sa arsobispo, nanaig ang popularidad kaysa konsensya sa pagpili ng mga pinuno.

Nanawagan din si Archbishop Villegas sa International Criminal Court (ICC) upang papanagutin ang mga responsable sa mga pagpaslang kaugnay ng kampanya kontra droga.

“Bring to justice the murderers of drug users who also murdered our national virtues and values,” giit ng arsobispo.

Nagbabala rin si Archbishop Villegas sa publiko laban sa pagbabaluktot ng kasaysayan kasabay ng malawakang paglaganap ng fake news, misinformation, at disinformation.

Hinimok ng arsobispo ang kabataan na maging mapanuri sa gitna ng laganap na maling impormasyon.

“Without historical truth, society drifts to totalitarianism… Don’t chase viral posts like dumb goats… Kill lies before sharing ,” paalala ni Archbishop Villegas.

Sa kabila nito, tiniyak ng arsobispo na may pag-asa pa ang bansa kung mananatiling buhay ang diwa ng People Power.

“May pag-asa pa! Nasa ating mga kamay ang pagkabuhay na muli ng EDSA!” ayon kay Archbishop Villegas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 79,459 total reads

 79,459 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 114,027 total reads

 114,027 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 149,327 total reads

 149,327 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 375,596 total reads

 375,596 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 264,707 total reads

 264,707 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top