SLP, nanawagan sa mga Pilipino na isabuhay ang “bayanihan spirit”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 756 total reads

Nanawagan ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas (SLP) sa bawat Pilipino na isabuhay ang pagbabayanihan higit na ngayong maraming mahihirap na pamilya.

Ayon kay Raymond Daniel Cruz Junior, Pangulo ng SLP, nararapat manaig ang bayanihan spirit sa pagharap ng Pilipinas at ng buong daigdig sa kahirapan na pinalala na krisis sa ekonomiya na dulot ng pandemya at digman.

“Sa gitna ng tumataas na antas ng paghihirap, patuloy na nananawagan ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas sa mga organisasyon at individual na magpatuloy sa pag-aabot ng kahit na maliliit na tulong sa mga kababayan nating nangangailangn ng pantawid sa gutom, pansinin natin ang mga humihingi ng tulong, Kausapin at kumustahin. Tanungin ang kanilang mga pangalan at sabihang ‘God bless you!’,” mensahe ni Cruz sa Radio Veritas.

Umaapela rin ang pinuno ng SLP sa pamahalaan na pag-ibayuhin ang pag-aabot ng tulong sa mga nangangailangan sa pagpapatupad ng mga batas na tutulungang makapamuhay ng may dignidad ang bawat Pilipino.

Hinimok din ng SLP ang bawat isa na tulungan ang kapwang mahirap na maging bahagi ng mga programa ng pamahalaan at Department of Social Welfare and Development (DSWD) katulad ng Assistance to Individuals/Families in Crisis (AICS) upang mabigyan ng financial assistance.

“Panawagan natin sa mga nakaluklok sa gobyerno, buksan natin at palawakin ang mga sangay ng gobyerno na may mandatong tulungan ang mga may mahigpit na pinag-dadaanan. Sa harap ng matinding inflation, umaasa kami sa gobyerno na gagampanan nila ang mga tagublin ng batas para sa mga kababayan natin,” ayon pa sa mensahe ni Bro.Cruz.

Naitala ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa 6.4% ang inflation rate noong Hulyo kumpara sa 6.1% noong Hunyo ng kasalukuyang taon.

Lumabas din sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na 12.2-milyong pamilyang Pilipino ang nagsasabing mahirap noong 2nd Quarter ng 2022.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 5,952 total reads

 5,952 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 30,814 total reads

 30,814 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 71,373 total reads

 71,373 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 97,826 total reads

 97,826 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 146,092 total reads

 146,092 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 166,782 total reads

 166,782 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seafarers, kinilala ni Bishop Santos

 24,155 total reads

 24,155 total reads Kinilala ni Antipolo Bishop Ruperto Cruz Santos, CBCP Bishop Promoter of Stella Maris–Philippines, ang mga marinong Pilipino sa paggunita ng National Seafarers’ Sunday,

Read More »
Scroll to Top