“We have to speak loudly and in a united way on EJK”- Bp. Bacani to fellow bishops

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 250 total views

Nanawagan na ang isang obispo ng Simbahang Katolika sa mga kapwa obispo nito na sama-sama na silang magsalita sa usapin ng operasyon ng pamahalaan laban sa iligal na droga kung saan libo-libo na ang napapaslang.

Ayon kay Novaliches bishop emeritus Teodoro Bacani Jr., ito ay upang lumakas ang tinig ng Simbahan at para mahikayat na rin ang mamamayan na magsalita na rin lalo na at takot ang namamayani sa kasalukuyan.

Pahayag pa ng obispo, sa kanyang mga kakilala, matagal na niyang sinasabi na magkaisa para sa iisang tinig na mariing tumututol sa lumalaking bilang ng mga biktima ng extrajudicial killings may kinalaman sa Oplan Tokhang ng administrasyong Duterte.

“Pakiusap ko sa ating mga obispo, magsalita ng sabay-sabay, sama-sama collectively hinihintay ko yan, pinu-push ko yan sa mga kakilala ko na magsalita, kasi sasabihin ng mga tao di naman nagsasalita ng sama sama ang mga obispo, kinakailangan we have to speak loudly and in a united way laban dito.” Mariing pahayag ni Bishop Bacani sa panayam ng Radyo Veritas.

Binigyang diin ni Bishop Bacani na sang-ayon sila sa kampanya ng gobyerno laban sa iligal na droga dahil ito ay salot sa lipunan.

Subalit mariing tinututulan nito ang mga nagaganap na pagpatay dahil ito ay hindiu lamang pisikal na masama kundi ito ay immoral na hindi kailanman sinasang-ayunan ng Panginoon.

“Sang-ayon tayo sa paglaban sa iligal na droga na talagang malaking salot, pero dapat ito ay ayon sa kalooban ng Diyos, kahit gaano kaganda ang layunin mo hindi ka puwede gumamit ng paraan na masama na immoral hindi lamang pisikal na masama kundi immoral, alam naman natin di naman nanlalaban, di naman naglalagay sa panganib sa buhay mo tapos papatayin mo yun tao.” Sinabi pa ni Bishop Bacani.

Sa huling ulat ng Philippine National Police, umaabot na sa mahigit 4, 000 ang napaslang may kaugnayan sa kampanya kontra droga habang nasa mahigit 700,000 ang sumukong drug users at pushers simula ng maluklok sa puwesto ang Pangulong Rodrigo Duterte. Una na ng iginiit ng Simbahang Katolika na nararapat pa ring pairalin ng mga otoridad ang “due process” at igalang ang karapatang pantao maging ng mga hinihinalang kriminal.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 139,213 total views

 139,213 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 161,323 total views

 161,323 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 234,664 total views

 234,664 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 227,537 total views

 227,537 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Our dear people in government

 208,034 total views

 208,034 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top