Spiritual intelligence, malaking hamon sa Catholic schools

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 500 total reads

Ang hamon ng paghubog ng mga Catholic School sa spiritual intelligence ng mga kabataan ay isang magandang paalala sa tunay na layunin ng Catholic education.

Ito ang reaksyon ni Rev. Fr. Nolan Que, National Capital Region Regional Trustee ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) sa naging hamon ni Catholic Bishops Conference of the Philippines Vice President Caloocan Bishop Pablo Virgilio David sa mga guro, opisyal at mga kinatawan ng Catholic schools na dumalo sa CEAP – NCR conference.

Ayon sa Pari, naaangkop lamang ang pahayag at hamong ito ng Obispo upang muling manumbalik sa mga bumubuo ng mga Catholic schools sa rehiyon ang layunin na magabayan ang mga kabataan hindi lamang sa pagkakaroon ng kagalingang pang-akademiko kundi maging pang-espirituwal.

Tiwala si Fr. Que na bukod sa iba’t-ibang mga pasilidad na mayroon ang Catholic schools upang malinang ang kaalaman at kakayahan ng mga mag-aaral ay hindi dapat na mawala sa mga ito ang pagkakaroon ng Kapilya kung saan sila maaring makapanalangin.

“Magandang paalala yun kasi siguro yung spiritual intelligence again going back to the reason for every Catholic education, bakit may Catholic education, kung bakit may Catholic schools the purpose of each would always be that young people would be able to know, to love and to serve the Lord. Ibig sabihin lamang nito sa bawat Katolikong paaralan sana meron kayong Chapel, ito yung lugar na kung saan yung mga bata pwedeng magdasal, kung meron kayong computer lab, meron kayong science laboratory, kung meron kayong speech laboratory sana naman ang unang prayoridad ay magkaroon ng mga lugar na kung saan ang mga bata ay pwedeng magdasal…” pahayag ni Father Que sa panayam sa Radyo Veritas.

Si Fr. Nolan Que ang kasalukuyang nagsisilbing Regional Trustee ng CEAP para sa National Capital Region na binubuo ng nasa 173 Catholic schools mula sa 8 mga diyosesis.

Taong 1941 ng itinatag ang Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) na layuning maging pambansang samahan ng mga Catholic Educational Institutions sa Pilipinas at makapaghubog ng mga kabataan na hindi lamang mayroong sapat na talino at galing pang-akademiko kundi lalo’t higit ang mayroong matatag na pananampalataya sa Panginoon.

Sa kasalukuyan mayroon ng aabot sa 1,484 na member-schools ang CEAP mula sa may 17 rehiyon sa buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 37,031 total reads

 37,031 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 263,424 total reads

 263,424 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 156,891 total reads

 156,891 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 250,922 total reads

 250,922 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 293,396 total reads

 293,396 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top