Gamitin ang social media sa pagpapahayag ng katotohanan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 590 total reads

Ito ang binigyang diin ni Bishop Mylo Hubert Vergara ng Diocese ng Pasig sa patuloy na pagninilay ng pagpapahayag ng Mabuting Balita ng Panginoon sa isinasagawang Philippine Conference on New Evangelization (PCNE5) sa Unibersidad ng Sto.Tomas.

“Sa gitna ng maraming kasinungalingan, fake news sa social media babalik tayo sa katotohanan ni Kristo at yun ang gusto nating ipahayag, we propagate the truth of Christ.” pahayag ni Bishop Vergara sa panayam ng Radio Veritas.

Binigyang diin ng Obispo na dapat labanan ang paglaganap ng maling balita at impormasyon o mga fake news sa bansa partikular sa social media kung saan mahigit sa 67 milyon sa mga Filipino ang aktibo.

Sa kasalukuyan ay nakararanas ng pang-uusig at pambabatikos ang Simbahang Katolika sa bansa maging ang mga lider nito at mga pastol ng simbahan na nakagagawa ng mga pagkukulang at pagkakasala habang naglilingkod sa sambayanan ng Diyos.

Dahil dito, hinamon ni Bishop Vergara ang mga pari, madre at mga relihiyoso na buong pusong tanggapin ang mga kahinaan at pagnilayan ang mga pagkukulang at hilingin sa Diyos ang paggabay, buong pusong yakapin ang pagbabago sa tulong ng Banal na Espiritu upang maging kaaya-aya ang paglilingkod sa kawan ng Diyos.

“Napakahalagang makita yung pagbabago at pagpapahalaga at pagpapanibago naming mga obispo, pari at mga relihiyoso kasi ang issue ngayon, kailangan buong pakumbabang tanggapin na may mga kahinaan kami, may mga pagkukulang din kami at kailangan magkaroon ng pagninilay at panalangin para mapalalim yung panalangin namin yung relasyon namin sa Diyos at yung paglilingkod namin sa kapwa sa tao.” dagdag ng Obispo.

Bukod dito, hinimok din ni Bishop Vergara ang bawat pari, madre at mga relihiyoso na aktibong makilahok sa social media at gamitin ang makabagong teknolohiya sa pagpapalaganap ng mga Salita ng Diyos.

Aniya, “Ang mga pari, madre, mga obispo yung involvement nila sa social media ay magbibigay ng pagtitingkad sa katotohanan ni Kristo at yung katotohanan ng Mabuting Balita ng Diyos.”

Sa tala mahigit sa 10-libo ang mga pari sa bansa na nangangasiwa sa mahigit 86 na milyong binyagang Katoliko sa Pilipinas.

Sa mensahe noon ni Pope Francis sinabi nitong ang pinagbabasehan ng katotohanan ay si Hesukristo dahil ito lamang ang tunay na maghahatod ng katotohanan sa lahat.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 38,364 total reads

 38,364 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 264,651 total reads

 264,651 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 158,116 total reads

 158,116 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 252,147 total reads

 252,147 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 294,563 total reads

 294,563 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top