Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

State of the (divided) Nation

SHARE THE TRUTH

 157 total views

Mga Kapanalig, ayon sa panlipunang katuruan ng Simbahan, ang pagbabahaginan ng buhay (o life) at ng ating mga pinahahalagahan (o values) ang pangunahing katangian ng isang sambayanan. Sa mga ito umuusbong ang ating hangaring makipagkaisa sa ispiritwal at moral na antas.

Ito marahil ang batayan ng pananaw ng namayapang paring Heswita at sociologist na si John J. Carroll. Aniya, “When the basic values of a people are flagrantly violated, the people must rise up and demand punishment—not out of revenge but simply to reassert and vindicate those values. Else the values themselves become simply matters of personal preference.” Sa wikang Filipino: Kapag lantarang nilalabag ang mga pinahahalagahan (o values) ng isang sambayanan, nararapat silang manindigan at hilinging maparusahan ang mga lumabag—hindi upang makapaghiganti ngunit upang igiit at ipagtanggol ang kanilang mga pinahahalagahan. Kung hindi, mauuwi sa personal na pagkiling ang pagpapahalagang ito.

Anu-ano nga ba ang mga pinahahalagahan nating mga Pilipino bilang isang sambayanan? Sa mga pagkakataong may mga banta sa mga ito, ano ang ating ginagawa?

Halimbawa, nagpapatuloy pa rin ang mga pagpatay bunsod ng kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga. Layunin ng kampanyang solusyunan ang problema ng droga sa ating bayan, kahit pa man marahas ang paraan ng pagpapatupad nito. May mga nagsasabing mahigit 10,000 na ang namatay, at sa likod ng mga kasong ito ay ang mga pamilyang nangungulila, mga anak na nawalan ng magulang, at mga pamayanang pinaralisa ng takot. Ngunit may mga kababayan tayong hindi na inaalintana ang mga buhay na nawala at ang epekto nito sa kanilang pamilya at pamayanan. Hindi na nila iniisip pa kung alinsunod sa proseso ng batas ang ginawang pagtugis sa mga pinaghihinalaang gumagamit at nagtutulak ng droga. Para sa kanila, mas mahalagang mawala na ang mga adik at kriminal. Mas mahalagang ligtas ang kanilang pakiramdam.

Isa pang halimbawa, may mga kababayan pa rin tayong naniniwalang hindi sapat na ikulong lamang ang mga nakagawa ng karumal-dumal na krimen. Katwiran nila, kung buhay ang kinuha, buhay din ang dapat na kabayaran. Kaya naman hindi nakapagtatakang may mga Pilipinong pabor na ibalik ang parusang kamatayan o death penalty. O kahit extra-judicial killing, gaya ng nangyari sa mga suspek sa pagpatay sa isang pamilya sa Bulacan, ay katanggap-tanggap para sa ilan sa atin. Hindi na sila naniniwalang may pag-asa pang magbago ang sinumang nakagawa ng mali. Para sa kanila, mas mahalagang maipaghiganti ang mga biktima at sa paraan lamang na ito sila mabibigyan ng katarungan.

Maaari rin nating tanungin: ano ang kahulugan ng kapayapaan para sa atin? Sa Marawi City, hindi pa rin natatapos ang bakbakan sa pagitan ng puwersa ng pamahalaan at ng grupong Maute. Marami sa mga bakwit ang wala nang mababalikang mga bahay, tindahan, at paaralan. Ngunit para sa ilang hindi taga-Marawi, kailangang magpatuloy ang pagtugis sa mga nagkakalat ng terorismo sa Marawi kahit pa kaakibat nito ang pagbomba at airstrikes. Sinisi pa nga ng ilan nating kababayan ang mga Maranao dahil kinupkop nila umano ang Maute group. Para sa kanila, hindi na baleng mawasak na ang lungsod, basta’t maubos lamang ang mga kasapi ng Maute group at hindi na umabot sa kanilang lugar.

Mga Kapanalig, ano ang sinasabi ng ilang halimbawang ito tungkol sa mga pinahahalagahan natin bilang isang sambayanan? May mangilan-ngilang umaalma dahil sa tingin nila, nilalabag ng mga patakaran at prayoridad ng kasalukuyang pamahalaan ang halaga ng buhay ng tao, ang tunay na katarungan, at pangmatagalang kapayapaan. Tila naman mas malakas ang suporta sa mga ito ng ilan nating kababayan, kaya’t patuloy ang pamahalaan sa pagpapatupad ng Oplan Tokhang, sa pagsusulong ng death penalty, at martial law sa buong Mindanao. Ngunit mas marami sa atin ang piniling manahimik at hindi makialam.

Nakakatakot isiping baka wala pala tayong pinahahalagahan bilang isang sambayanan. Hatî ang ating bayan ngayon, at ito ang tunay na “state of the nation.” 

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 11,866 total views

 11,866 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »

Hindi sapat ang kasikatan

 19,202 total views

 19,202 total views Mga Kapanalig, ngayong araw, ika-8 ng Oktubre, ang huling araw ng filing of certificate of candidacy (o COC) ng mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon. Nagsimula ang pagtanggap ng COMELEC ng mga COC noong unang araw ng buwang ito. May napupusuan na ba kayo sa mga nais maging senador? Sa mga

Read More »

Deserve ng ating mga teachers

 26,517 total views

 26,517 total views Mga Kapanalig, bago matapos ang National Teacher’s Month noong Sabado, ika-5 ng Oktubre, na kasabay din ng World Teachers’ Day, may regalong ibinigay ang Department of Education (o DepEd) sa ating mga pampublikong guro. Sa bisa ng DepEd Order No. 13, maaari nang bigyan ang mga public school teachers ng hanggang 30 vacation

Read More »

Makinig bago mag-react

 76,839 total views

 76,839 total views Mga Kapanalig, nag-trending sa social media noong nakaraang linggo ang isang video kung saan makikitang nagkainitan sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Juan Miguel Zubiri habang naka-break ang sesyon nila. Makikita sa video ang kanilang sagutan at murahan, na muntikan nang umabot sa pisikalan. Ang kanilang pag-aaway ay kaugnay ng sampung Embo

Read More »

Protektahan ang mga mandaragat

 86,315 total views

 86,315 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 107:23-24, “Mayroong naglayag na lulan ng barko sa hangad maglakbay, ang tanging layunin kaya naglalayag, upang mangalakal. Nasaksihan nila ang kapangyarihan ni Yahweh, ang kahanga-hangang ginawa ni Yahweh na hindi maarok..” Ang salmong nabanggit ay malapít sa mga seafarers at masasabing mapalad sila dahil nakikita nila ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 11,867 total views

 11,867 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang kasikatan

 19,203 total views

 19,203 total views Mga Kapanalig, ngayong araw, ika-8 ng Oktubre, ang huling araw ng filing of certificate of candidacy (o COC) ng mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon. Nagsimula ang pagtanggap ng COMELEC ng mga COC noong unang araw ng buwang ito. May napupusuan na ba kayo sa mga nais maging senador? Sa mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Deserve ng ating mga teachers

 26,518 total views

 26,518 total views Mga Kapanalig, bago matapos ang National Teacher’s Month noong Sabado, ika-5 ng Oktubre, na kasabay din ng World Teachers’ Day, may regalong ibinigay ang Department of Education (o DepEd) sa ating mga pampublikong guro. Sa bisa ng DepEd Order No. 13, maaari nang bigyan ang mga public school teachers ng hanggang 30 vacation

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makinig bago mag-react

 76,840 total views

 76,840 total views Mga Kapanalig, nag-trending sa social media noong nakaraang linggo ang isang video kung saan makikitang nagkainitan sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Juan Miguel Zubiri habang naka-break ang sesyon nila. Makikita sa video ang kanilang sagutan at murahan, na muntikan nang umabot sa pisikalan. Ang kanilang pag-aaway ay kaugnay ng sampung Embo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga mandaragat

 86,316 total views

 86,316 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 107:23-24, “Mayroong naglayag na lulan ng barko sa hangad maglakbay, ang tanging layunin kaya naglalayag, upang mangalakal. Nasaksihan nila ang kapangyarihan ni Yahweh, ang kahanga-hangang ginawa ni Yahweh na hindi maarok..” Ang salmong nabanggit ay malapít sa mga seafarers at masasabing mapalad sila dahil nakikita nila ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Interesado pa ba ang bise-presidente?

 75,384 total views

 75,384 total views Mga Kapanalig, dahil sa hindi pagsipot ni Vice President Sara Duterte sa deliberasyon ng inihahaing badyet ng kanyang opisina, mukhang hindi na raw interesado ang pangalawang pangulo sa kanyang trabaho. Dahil dito, baka pwede niyang ikonsiderang bumaba na lang sa puwesto. Iyan ang opinyon ni House Deputy Speaker at kinatawan ng ikalawang distrito

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

18,271 positions

 81,643 total views

 81,643 total views Kapanalig, 18,271 positions sa pamahalaan ang pag-aagawan at paglalabanan ng mga kandidatong tatakbo sa 2025 Midterm elections na itinakda ng Commission on Elections (COMELEC) sa ika-12 ng Mayo 2025. Kinabibilangan ito ng 12-bagong Senador, 254 congressional district representatives; 63 party-list representatives;82-governors; 82 vice governors; 792 provincial board members;149 city mayors, city vice mayors.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Iligtas ang mga bata

 95,960 total views

 95,960 total views Mga Kapanalig, emosyonal na inamin ni Pangulong BBM na kulang pa rin ang ginagawa ng gobyerno para tuldukan ang sekswal na pang-aabuso sa mga bata, lalo na sa online.  Gusto nating isiping sinsero ang pangulo dahil ama rin siyang may mga anak. “An overwhelming sense of shame” o napakalaking kahihiyan daw ang hayaang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Gaya ng mga pinatay na magulang at kanilang naulila

 81,327 total views

 81,327 total views Mga Kapanalig, sa Mga Kawikaan 26:27, mababasa natin ito: “Ang nag-uumang ng bitag ay siya ring mahuhuli roon. Ang nagpapagulong ng bato ang siyang tatamaan niyon.” Hindi bahagi ng pananampalatayang Kristiyano ang tinatawag sa ibang paniniwala na karma. Ang alam natin, gaya ng ipinahihiwatig ng binasa nating teksto mula sa Mga Kawikaan, ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Serbisyo, hindi utang na loob

 68,918 total views

 68,918 total views Mga Kapanalig, sa kanyang birthday noong ika-13 ng Setyembre, sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos Jr na naglaan ang kanyang opisina ng mahigit 300 milyong pisong pondo para gawing libre ang mga serbisyo sa mga pampublikong tertiary hospitals. Dito sa Metro Manila, isa sa mga ospital na ito ang Philippine General Hospital o PGH,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tao ang sentro ng trabaho

 81,520 total views

 81,520 total views Mga Kapanalig, kayo ba ay manggagawa o empleyado? Tuwing malakas ang ulan, bumabagyo, o bumabaha sa mga daanan, naiisip rin ba ninyong sana, katulad ng mga estudyante, wala rin kayong pasok sa inyong pinagtatrabahuhan? Noong kasagsagan ng uláng dala ng Bagyong Enteng at ng hinila nitong habagat, may isang netizen na nagsabing “’pag

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Katarungan para sa mga katutubo ng Bugsuk

 76,833 total views

 76,833 total views Mga Kapanalig, may panawagan si Ka Jomly Callon, lider ng tribong Molbog mula sa Bugsuk Island sa bayan ng Balabac sa Palawan: “Ang kalaban po namin dambuhala, e kami po, mga katutubo lang. Sana po maging patas po ang gobyerno para sa amin.” Itinuturing ang ilang bahagi ng Bugsuk na lupaing ninuno o

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tunnel of friendship

 81,766 total views

 81,766 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Teenage pregnancy

 132,326 total views

 132,326 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 137,485 total views

 137,485 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top