Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

ML extension, aprubado sa joint special session ng Kongreso

SHARE THE TRUTH

 151 total views

Umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga senador ang pag-apruba ng kongreso sa Martial Law Extension sa isla ng Mindanao.

Sa botong 261-18, 245 na kongresista at 16 na senador ang pumabor sa petisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpatuloy ang Martial Law hanggang ika-31 ng Disyembre habang 4 na senador at 14 na kongresista naman ang nagpahayag ng kanilang pagtutol dito.

Kasabay ng kanyang pagsuporta sa pagpapalawig ng Batas Militar saa Mindanao ay ipinaalalahan ni Senator Grace Po ang awtoridad na gamitin ng tama ang kapangyarihang muling ipinagkaloob sa kanila gayundin ang pagbibigay-prayoridad sa mga bakwit at paggalang sa relihiyon ng mga residente sa lugar.

“Hinihingi ko ay isang mekanismo kung saan ang kongreso at senado ay pwedeng magreview ng mga nangyayari kasi itong kapangyarihan ng Martial Law, kami ang nagpatupad na pwede itong i-extend kaya kami rin ang pwedeng magpawalang-bisa nito kapag nagkaroon ng abuso. Kung ito ay paglabag sa ating konstituson, responsiblidad natin na magsalita laban dito,” panawagan ng senador.

Sinalungat naman ni Senator Franklin Drilon ang desisyon na i-extend hanggang sa katapusan ng taon ang Martial Law dahil malinaw na nakasaad sa konstitusyon na 60 araw lamang at unti-unti na aniyang humuhupa ang tensyon sa pagitan ng pwersa ng gobyerno at teroristang grupong Maute sa lugar.

“We were saying that we should limit it [Martial Law] to the areas where there is actual rebellion and that is not only an opinion, that is what the Supreme Court said. A mere threat of rebellion is not a basis for the continuation of Martial Law. So we strongly believed that Martial Law Extension should be limited to 60 days and that there is absolutely no evidence that actual rebellion persist in the areas other than Marawi City. Those are the reasons why we voted no,” pahayag ng senador.

Bukod kay Drilon, kabilang din sina Senator Francis Pangilinan, Bam Aquino at Risa Hontiveros sa mga senador na hindi sang-ayon sa Martial Law Extension.

Samantala binigyang-diin ni Senator Miguel Zuburi na ‘masyadong maikli’ ang dalawang buwan na sinasabi ng batas dahil aabutin pa aniya ng isang taon bago tuluyang maisayos ang mga nasirang impratruktura dulot ng digmaan at rehabilitasyon ng Mindanao.

“Masyadong maikli ‘yung 60 days lamang. Feeling ko after 60 days, babalik muli kami dito. Bakit? ‘Yung rehab at reconstruction ng Marawi, matagal ‘yon. It will take at least one year. Sa isang taon na ‘yon, I’m sure subject to harassment from terrorist groups itong mga contructors and construction companies Kaya kailangan nating protektahan sila,” ani Zubiri.

Idinagdag pa ni Zubiri na isang magandang pagkakataon ang pagpapatuloy ng Martial Law upang magalugad ang mga iba pang mga lalawigan sa isla na maaaring pinagtataguan ng Maute Group at mga armadong grupo.

Pinangunahan ni Senate President Aquilino Pimentel III at House Speaker Pantaleon Alvarez ang ginanap na Special Joint Session on Martial Law Extension sa kongreso, dalawang araw bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte.

Una nang nanawagan ang Kanyang Kabanalan Francisco lider ng bawat bansa gayundin sa mga kintawan ng simbahang katolika na maging instrumento sa pagsupil ng karahasan sa lipunan at pagtamo ng kapayapaan sa buong mundo.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Karapatang pantao tungo sa kabutihang panlahat

 10,218 total views

 10,218 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ngayong araw ang Human Rights Day, na may temang “Our rights, our future, right now”. Sa kanyang mensahe para sa araw na ito, binigyang-diin ng Human Rights Chief ng United Nations (o UN) na si Volker Türk ang papel ng mga karapatang pantao sa pagtataguyod ng kabutihan sa mundo. Magandang

Read More »

Pueblo Amante de Maria

 18,928 total views

 18,928 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang natin ngayon ang Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi ng Mahal na Birheng Maria o Immaculate Conception. Ang Birheng Maria ang pangunahing patrona ng ating bansa. Itinalaga ni Pope Pius XII ang Immaculate Conception bilang principal patroness ng Pilipinas noong taong 1942. Ngayong 2024 naman ang ika-170 taóng anibersaryo ng pagkakatatag

Read More »

POGO’s

 27,687 total views

 27,687 total views TOTAL shutdown of Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), ito ay bahagi ng 2024 State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang POGO ay parang kabute na nagsusulputan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa para i-cater ang mga Chinese gambler.. Bukod sa online gambling, pinasok na rin ng POGO ang financial

Read More »

Culture Of Waste

 36,080 total views

 36,080 total views Isa ang Pilipinas sa mga 3rd world countries o mga bansang mataas ang poverty rate., Batay sa 2024 Global Hunger Index (GHI), 67 ang rank ng Pilipinas mula sa 127-bansang may mataas na hunger rate. Sa survey ng Social Weather Station (SWS) sa unang quarter ng taong 2024, natuklasan na 14.2-percent o 3.5-milyon

Read More »

Trustworthy

 44,097 total views

 44,097 total views Servant leader (mabuting katiwala) mapagkakatiwalaan, maaasahan…Ang totoong public servant ay nararapat TRUSTWORTHY., walang bahid ang pagkatao;incorruptible, …mabuting katiwala ng mamamayan sa pagpapadaloy ng serbisyong publiko. Umiiral pa ba ang katangiang ito sa kasalukuyang mga kawani, opisyal ng mga ahensiya ng pamahalaan at mga halal na opisyal? Kapanalig, aminin man natin o hindi.., bahagi

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Veritas Team

Pag-alis sa appointing power ng Pangulo sa independent constitutional commission, iminungkahi

 4,305 total views

 4,305 total views Pagtatanggal sa kapangyarihan ng Pangulo na magtalaga ng mga opisyal sa independent institutions sa pamahalaan ang isa sa nakikitang solusyon ng Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan o ANIM Coalition na nagsusulong at tutumutol sa pag-iral ng political dynasty, korapsyon at katiwalian sa pamahalaan. Ayon kay ANIM Lead Lawyer Attorney Alex Lacson sa panayam ng

Read More »
Cultural
Veritas Team

Pamahalaan at simbahan sa Pilipinas, nakikiramay sa pagpanaw ni Queen Elizabeth II

 109,947 total views

 109,947 total views Nakikiisa ang sambayanang Filipino sa pagpanaw ng Reyna ng Britanya na si Queen Elizabeth II sa edad na 96. Ayon kay President Ferdinand Marcos Jr., kilala si Queen Elizabeth sa debosyon ng paglilingkod sa kanyang nasasakupan. “It is with profound sadness that we receive the news of the passing of Her Majesty Queen

Read More »
Latest News
Veritas Team

Hamon ng Obispo kay BBM, isulong ang kabutihan

 68,139 total views

 68,139 total views Isulong ang kabutihan para sa mas nakakaraming Filipino. Ito ang mensahe at paalala ni Tandag Bishop Raul Dael kay President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. sa pagtatapos ng halalan. Ayon sa Obispo, bilang halal na opisyal at pinili ng mas nakakaraming Filipino, kinakailangang maisakatuparan ng bagong pangulo ang pangakong ‘pagkakaisa’ ng buong bansa. “To

Read More »
Latest News
Veritas Team

Robredo, nangunguna sa VTS

 67,223 total views

 67,223 total views Sinu-sino sa mga presidential aspirant ang sumusunod o nagsusulong ng “Catholic values and beliefs” na naka-sentro sa kasagraduhan ng buhay. Tinanong at pinusulsuhan sa isinagawang Veritas Truth Survey ang 2,400 respondents sa kanilang perception kung sino sa mga presidential hopeful ang sumusunod sa Catholic values at beliefs. Lumabas sa nationwide V-T-S na nakuha

Read More »
Latest News
Veritas Team

Manindigan laban sa Anti-Terror Act of 2020, panawagan ng mamamayan sa taongbayan

 25,655 total views

 25,655 total views July 5, 2020, 10:43AM Umaasa ang chairperson ng Church People-Workers’ Solidarity (CWS)  at CBCP NASSA/Caritas Philippines Vice Chairman San Carlos Bishop Gerardo Alminaza na maamyendahan at maipawalang bisa ang pagpapasa ng kontrobersyal na Anti-Terror Act of 2020 kung patuloy na mananawagan ang mamamayan sa pamahalaan. Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte

Read More »
Latest News
Veritas Team

Guilty verdict sa opisyal ng Rappler, itinuturing na isang persecution

 25,644 total views

 25,644 total views June 16, 2020, 12:47PM Naniniwala ang mataas na opisyal ng simbahan na sinadyang patahimikin at idiin sa kasong cyberlibel si Rappler CEO Maria Ressa. Ayon kay Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, makikita ang pagsisikap na idiin sa kaso si Ressa at ang kanyang researcher na si Reynaldo Santos Jr. sa

Read More »
Latest News
Veritas Team

Tutukan ang COVID-19 pandemic at Marawi rehab sa halip na Anti-Terrorism bill-AMRSP

 25,645 total views

 25,645 total views June 4, 2020, 11:35AM Manila,Philippines — Nagpahayag ng pangamba ang Association of Major Religious Superiors in the Philippines o AMRSP sa pagpapasa ng mababang kapulungan ng Kongreso sa Anti-Terrorism Bill na mag-aamyenda ‘Human Security Act of 2007′ na sinertipikahang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sa pahayag na inilabas ng grupo, nangangamba ito sa

Read More »
Latest News
Veritas Team

Pabuya sa pagtuklas ng gamot: ‘Fabunan, vaccine,’ subukan muna

 25,742 total views

 25,742 total views Muling nanawagan si Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani sa pamahalaan na subukan ang Fabunan Antiviral Injection na pinaniniwalaang nakagagamot sa coronavirus disease. Ito ay matapos maglabas ng pahayag si Pangulong Rodrigo Duterte na handa siyang magbigay ng P10M para sa makadidiskubre ng gamot laban sa COVID-19. “Si President Duterte nag-aalok ng P10M para

Read More »
Latest News
Veritas Team

Kasong sedition laban sa mga matataas na opisyal ng CBCP, ibinasura ng DOJ

 25,543 total views

 25,543 total views Ibinasura ng Department of Justice ang kasong “conspiracy to commit sedition, inciting to sedition, cyber libel, libel, estafa, at obstruction of justice” laban sa tatlong Obispo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, mga pari at Vice President Leni Robrero. Kinumpirma ni Justice Undersecretary Markk Perete ang D-O-J panel resolution na nagpapawalang sala

Read More »
Latest News
Veritas Team

Divorce: Hindi lang usapin ng kababaihan, kundi ng buong pamilya

 25,530 total views

 25,530 total views Naniniwala ang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na hindi dapat madaliin ang pagpasa ng divorce bill. Lalu na’t mas maraming mga suliranin ang Pilipinas na higit na dapat bigyang tuon. Ito ang pahayag ni Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP-Permanent Committee on Public Affairs kaugnay sa minadaling pag-apruba

Read More »
Politics
Veritas Team

Radio Veritas, Grace Poe, no.1 sa Veritas Truth Survey

 24,925 total views

 24,925 total views Nangunguna sa Veritas Truth Survey si Senatorial candidate Grace Poe. Pumasok naman sa magic 12 ng Veritas Truth Survey sina: Isinagawa ang survey sa mga Katolikong botante mula sa iba’t-ibang parokya ng 86 Arkidiyosesis at Diyosesis ng Simbahang Katolika sa Pilipinas.  

Read More »
Politics
Veritas Team

Pangulong Duterte, wala na sa katinuan

 24,888 total views

 24,888 total views Hinamon ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity si pangulong Rodrigo Duterte na tingnan muna ang mga nagawa nito sa bansa bago bantaan ang kaniyang mga kritiko. Ayon sa Obispo, kung nagbibiro na naman ang Pangulo ay hindi na dapat ito pansinin subalit kung seryoso si

Read More »
Politics
Veritas Team

Martial law hindi na kailangan

 24,899 total views

 24,899 total views Ito ang panawagan ni Kidapawan Bishop Jose Collin Bagaforo sa panukalang palawigin o i-extend muli ang batas militar sa Mindanao. Iginiit ni Bishop Bagaforo na hindi kailangan ang ML dahil sa top priority ng Administrasyong Duterte ay magkaroon ng peace and order sa bansa. Binigyan diin ng Obispo na napapanahon ng bumalik sa

Read More »
Politics
Veritas Team

VP Leni Robredo: One-on-One sa Veritasan Part 2

 24,896 total views

 24,896 total views DRUG REHAB HINDI PAGPATAY Ang simbahan ang magbibigay ng guidance sa community na eto yung mga mabubuting gawin. In fact, marami kaming mga engagement with the church halimbawa kabahagi kami ng koalisyon ng mga organisasyon na nagsusulong ng community rehabilitation ng mga drug addicts, ‘yun tamang paraan para i-convert hindi ‘yung pagpatay. Kabahagi

Read More »
Politics
Veritas Team

Pangulong Duterte, Walang moral authority

 24,902 total views

 24,902 total views Walang karapatan ang Pangulong Rodrigo Duterte na magsabi sa pagtataguyod ng karapatang mabuhay gayung may higit na sa 20,000 ang napatay sa Anti-drug War campaign. Ito ayon kay dating Solicitor General Atty. Florin Hilbay sa katatapos lamang na State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo sa pagbubukas ng 17th Congress. “Hindi naman

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top