Pangulong Duterte, hinamong maging pro-farmers

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 561 total reads

Hinamon ng mga magsasaka si Pangulong Rodrigo Duterte na talakayin sa kanyang State of the Nation Address (SONA) sa Lunes ika-24 ng Hulyo ang mga suliraning kinakaharap ng sektor ng agrikultura sa Pilipinas.

Ayon kay Captain Rolly Martinez, pangulo ng Samahan ng mga Magsasaka ng Barangay Sumalo, hindi sapat ang mga programa ng pamahalaan upang matugunan ang mga problemang dinaranas ng maliliit na magsasaka partikular na ang karapatan sa lupang kanilang sinasaka.

“Sana naman po maaawa kayo sa mga kagaya naming magsasaka at maaksyunan na ang aming mga hinaing. Dito lang po kami[sa pagsasaka] nabubuhay at wala po kaming ibang ikabubuhay maliban dito. Sana magkaroon din po ng programa lalong lalo na sa mga magsasaka dahil dito tayo kumukuha ng pagkain,” panawagan ni Martinez.

Idinagdag pa ni Matinez na sa kabila ng paglaan ng mataas na budget sa larangan ng agrikultura kung saan tumanggap ng P45.2 bilyon ang Department of Agriculture habang P9.8 bilyon naman sa Department of Agrarian Reform ay patuloy pa ring naisasantabi ang mga maralitang magsasaka.

Kaugnay nito ay umaasa ang Sumalo Framers kasama ang Save Agrarian Reform Alliance (SARA), National Secretariat for Social Action (NASSA) na mabigyan ng pagkakataon upang makadala sa SONA ng pangulo at personal na maipaabot sa pangulo ang social injustice na kanilang nararanasan.

Sa kasalukuyan, patuloy na inilalaban ng Sumalo farmers ang kanilang karapatan sa lupa na inaangkin ng maipluwensiyang negosyante.

Read: Pakikisabwatan ng DAR Bataan sa isang development corporation, inalmahan

Patuloy namang ipinaalala ni Pope Francis na kaakibat ng paglago ng ekonomiya ng isang bansa ay ang pangangalaga sa karapatan ng maliliit na tao sa lupang kanilang tinubuan at pakikinig sa hinaing ng mga naisasantabi ng lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 77,336 total reads

 77,336 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 155,568 total reads

 155,568 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 189,015 total reads

 189,015 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 224,312 total reads

 224,312 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 447,751 total reads

 447,751 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 298,409 total reads

 298,409 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 409,278 total reads

 409,278 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top