Values at spiritual formation sa PNP, paiigtingin ng PNP Chaplain service

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 605 total reads

Tiniyak ng Philippine National Police Chaplain service ang pagpapaigting at pagpapalawak ng “values at spiritiual formation” sa mga kawani ng pambansang pulisya gayundin sa kanilang pamilya na nangangailangan ng gabay.

Ito ang pangako ni PNP–Chaplain Service Deputy Director Police Senior Superintendent Rev. Father Lucio Rosaroso Jr. sa pagdiriwang ng kanilang ika-25 anibersaryo.

Lubos din ang pasasalamat ni Father Rosaroso sa mga sumuporta sa kanilang ministry sa nakaraang 25-taon.

“Ang PNP-Chaplain Service po ay nagdiriwang ng 25 Anniversary celebration today at nagpapasalamat po kami sa mga suporta sa aming mga faith based groups all over the Philippines na talagang sumusuporta sa mga programa ng PNP-Chaplain Service especially sa aming flagship projects and of course sa values formation sa ating men and women in uniform including their dependents, their families and giving counseling to them especially those who are in need of shall we say counseling…”pahayag ni Father Rosaroso sa panayam sa Radio Veritas.

Kaugnay nito, itinuturing ng PNP chaplain service na milestone ang kanilang isusulong na programang “U-S-A-P” o Ugnayan ng Simbahan at Pulisya upang mas matutukan spiritual transformation o pagpapabago sa pananaw ng nasa 180-libong mga kawani ng P-N-P sa kanilang misyon na protektahan ang lipunan sa isang makataong pamamaraan.

“Ang isa sa mga milestones namin ay itong USAP (Ugnayan ng Simbahan at Pulisya) because we need na pag-igtingin pa namin ngayon itong mga activities namin, mga programs namin to bring about change and transformation to our men and women in uniform to be God-centered, service-oriented and family based…” pagbabahagi pa ni Father Rosaroso.

Umaapela naman ang pari ng patuloy na suporta at panalangin sa pagpapatuloy ng misyon ng PNP-Chaplain Service na gabayan ang hanay ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas.

Sa temang “CHS at 25”: Tuloy-tuloy ang paghubog ng mabuting asal ng kapulisan tungo sa tunay at ganap na pagbabago ang tema ng ika-25 anibersaryong pagdiriwang.

Binigyang parangal din sa anibersaryo ang mga Outstanding Chaplain Service Personnel hindi lamang sa National Headquarters kundi maging sa Regional Chaplain Service sa buong bansa.

Pinarangalan din ang mga indibidwal mula sa iba’t ibang grupo dahil sa kanilang kontribusyon sa PNP-Chaplain Service lalo na sa mga usaping moral at ispiritwal.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 13,861 total reads

 13,861 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 48,608 total reads

 48,608 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 85,090 total reads

 85,090 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 103,302 total reads

 103,302 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 186,907 total reads

 186,907 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top