Stella Maris Philippines, patuloy na makikilakbay sa mga seafarer

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,626 total views

Tiniyak ng Stella Maris Philippines ang patuloy na paglilingkod sa mga manggagawa sa karagatan at kanilang mga pamilya.

Ayon kay National Coordinator Fr. John Mission na mahalagang kalingain ang hanay ng mga seafarers at iba pang manggagawa sa sektor alinsunod sa Stella Maris Moto Propio ni St. John Paul II.

“Our commitment will always be providing pastoral care and service in moral and spiritual support to the people of the sea, the seafarers, and their families left behind,” pahayag ni Fr. Mission sa Radio Veritas.

Kamakailan ay nagsagawa ng Migrant Fishers Leaders Assembly ang Stella Maris Philippines sa Cebu City na bahagi ng kanilang pakikipagtulungan sa International Labor Organization na ‘Ship to Shore Project’ na layong tugunan ang iba’t ibang suliraning kinakaharap ng sektor.

Kabilang na rito ang pagpapaliwanag sa kanilang mga karapatan upang labanan ang mga pang-aabuso sa kanilang hanay tulad ng human trafficking at iba pa.

“It is important for them to know their rights while they are working abroad but at the same time organizing the families giving them values formation, financial literacy program so ‘yun po ang mga contents ng PDO modules information package-based advocacies ng Stella Maris – ILO Ship to Shore Project,” ani Fr. Mission.

Pinasalamatan ng pari ang ILO sa tiwalang maging katuwang sa pagpatupad ng programa dahil na rin sa kakayahan ng Stella Maris lalo’t ito ay nakatuon sa ‘grassroots’ ng mga komunidad tulad ng mga parokya.

Bukod sa kalahating milyong seafarers na nagtatrabaho sa iba’t ibang kompanya tinututukan din ng grupo ang pangangalaga sa migrant fishers na ayon sa Department of Migrant Workers umaabot sa limang libong deployment kada taon na kadalasang nalalantad sa labor abuses.

Kasabay ng isinagawang pulong ang pagbuo ng Stella Maris Philippines Migrant Fishers Network na mangunguna sa paglunsad ng mga programang mapakikinabangan ng mga mangingisda at kanilang mga pamilya.

Patuloy din ang paglilibot nina Fr. Mission kasama sina CBCP Bishop Promoter of Stella Maris, Antipolo Bishop Ruperto Santos at Orly Badilla, national lay coordinator ng grupo sa mga diyosesis sa bansa upang hikayatin ang mga obispo na magtatag ng Stella Maris ministries para sa mga seafarers, mangingisda, port workers at personnel gayundin ang mga nautical students at pamilya ng mga seafarers.

Una nang hiniling ni Bishop Santos sa pamahalaan na maging liwanag at bigyang pansin ang kapakanan ng mga seafarers at iba pang manggagawa sa karagatan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 29,110 total views

 29,110 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 57,461 total views

 57,461 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 125,191 total views

 125,191 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 148,342 total views

 148,342 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 216,385 total views

 216,385 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top