Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Stella Maris, pinuri ang mga mambabatas sa pagpasa sa Magna Carta of the Filipino Seafarers

SHARE THE TRUTH

 17,795 total views

Binigyang diin ng Stella Maris-Philippines na naaangkop lamang na tutukan at bigyang halaga ng pamahalaan ang kapakanan at karapatan ng mga Filipino Seafarers.

Ito ang bahagi ng mensahe ni Antipolo Bishop Ruperto Santos – CBCP Bishop Promoter ng Stella Maris-Philippines, kasunod ng pag-apruba ng mga mambabatas sa Magna Carta of the Filipino Seafarers bill.

Paliwanag ng Obispo, naaangkop lamang na tutukan at bigyang halaga ang kapakanan at karapatan ng mga Filipino Seafarers na nagtatrabaho sa iba’t ibang bahagi ng daigdig hindi lamang dahil sa kanilang malaking ambag para sa ekonomiya ng bansa kundi bilang pagpapahalaga sa bawat manggagawang Pilipino .

“Our Seafarers are valuable not only because they are essential workers domestically but their services are important contributors to the global economy. It is imperative that we become diligent in safeguarding their well being by protecting their rights and ensuring their welfare.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Santos.

Ayon kay Bishop Santos, malaki ang maitutulong at benipisyo para sa mga Pilipinong mandaragat at kanilang mga pamilya sakaling tuluyan ng lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nasabing panukalang batas.

“We, at Stella Maris-Philippines, would like to express our profound gratitude for the uncontested approval of the Magna Carta of the Filipino Seafarers bill. This will pave the way for passing it into law once President Ferdinand Marcos Jr., who certified the enactment of its proposal as urgent, signs it. God is good! We give Him praise and thanks for this tremendous blessing to our dear Seafarers and their families.” Dagdag pa ni Bishop Santos.

Nakapaloob sa naturang Magna Carta of Filipino Seafarers ang pagtiyak ng kapakanan at pagtukoy sa mga karapatan ng mga Filipino seafarer kabilang na ang reintegration program, grievance system, at social welfare benefits ng mga mandaragat.

Layunin din ng Magna Carta of Filipino Seafarers na kilalanin ang mga karapatan, kontribusyon at natatanging papel ng mga marino o mandaragat sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.

Batay sa tala ng Maritime Industry Authority (MARINA) mula 2016 hanggang 2021, ang bansa ay nagdi-deploy ng mahigit 400,000 Filipino seafarers sa ibayong dagat.

Sa bahagi ng Stella Maris Philippines, may 14 na chaplains ang aktibong naglilingkod sa iba’t ibang pantalan sa buong bansa na may misyong tugunan at magsilbing gabay sa buhay espiritwal hindi lamang ng mga Pilipinong mandaragat kundi maging ng kanilang mga naiwang kapamilya sa Pilipinas.

 

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tunay na boses ng kabataan

 14,112 total views

 14,112 total views Mga Kapanalig, hindi ipinroklama ang Duterte Youth bilang isa sa mga nanalong party-list groups sa nagdaang halalan. Halos dalawang milyon ang bumoto sa

Read More »

Anong solusyon sa edukasyon?

 24,654 total views

 24,654 total views Mga Kapanalig, tinuruan tayo ni Pope Benedict XVI sa kanyang liham na Caritas in Veritate na ang pag-unlad o development ay hindi nasusukat

Read More »

Dadanak ang dugo?

 33,094 total views

 33,094 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 5:5-7, kinasusuklaman ng Diyos ang mga mamamatay-tao, manlilinlang, at sinungaling. Ang ating Panginoon ay Diyos ng katotohanan

Read More »

ICC TRIAL

 48,951 total views

 48,951 total views Kapanalig, matapos ang 2025 midterm elections kung saan multi-bilyong piso ang nagastos at marami ang kumapal ang bulsa pansamantala., maraming relasyon ang nasira,

Read More »

REAWAKENING

 55,963 total views

 55,963 total views Kapanalig, nagising na nga ba ang mga botanteng Pilipino? Akalain mo, nagulat ang mga “political observer” sa naging resulta ng 2025 midterm election,

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Cardinal Tagle, pangungunahan ang PCNE XI

 5,167 total views

 5,167 total views Inaanyayahan ng Office for the Promotion of New Evangelization (OPNE) ng Archdiocese of Manila ang mananampalataya sa ika-11 yugto ng Philippine Conference on

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top