VeritasPH

The Word, The Truth

Sugpuin ang kahirapan at katiwalian

SHARE THE TRUTH

 284 total views

Mga Kapanalig, ginunita kahapon ng ating Simbahan ang World Day of the Poor. Layunin ng araw na itong bigyang pansin ang mga suliranin ng mga kapatid nating naisasantabi sa lipunan at hikayatin ang bawat isang kumilos para sa kaunlaran ng lahat.

Ayon sa National Economic and Development Authority (o NEDA), tumaas ang poverty rate o bilang ng mahihirap sa bansa mula 17 percent noong 2018 sa 18.3% ngayong pandemya. Katumbas ito ng mahigit 20 milyong Pilipinong sadlak sa kahirapan. Noong Agosto, naitala rin ang pinakamabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin; mula 5.1% noong 2018, umakyat ito sa 4.9%. Nangangahulugan itong higit na mababawasan ang mabibili ng mahihirap, lalo na ang mga magsasaka at mangingisda, sa kakarampot nilang kita.

Samantala, patuloy ang pagdinig sa Senado sa mga alegasyon ng katiwalian sa pondong nakalaan sa pagtugon sa pandemya. Nariyan ang mga overpriced na face shields na binili sa kadududang kumpanyang pag-aari ng mga kaibigan ng mga pulitiko. Ang asawa nga ng isang major stockholder sa kumpanyang ito ay nagising na lamang na may mamahaling sasakyan sa kanyang garahe. Tatakbo bilang kongresista ang misis na ito ng stockholder sa kumpanyang sangkot umano sa katiwalian.

Noong isang linggo, nagbabala si Bishop Broderick Pabillo tungkol sa mga kandidatong magsasabing pro-poor o makamahirap sila ngayong panahon ng kampanya. Para sa obispo, hindi dapat paniwalaan ang mga kandidatong magsasabing tutulungan nila ang mga dukha kapag naluklok sila, kung ngayon pa lang ay wala na silang ginagawa para sa mahihirap. Hinikayat ng obispo ang bawat botanteng maging mapanuri sa mga kandidato, lalo na ang mga kaalyado ng mga pulitikong iniuugnay sa katiwalian. Aniya, piliin natin ang mga kandidatong may konkretong ginagawa para sa mahihirap, silang pumupunta sa mga nasa laylayan ng lipunan.

Naniniwala ang mga panlipunang turo ng Simbahang ang kahirapan ay maituturing na hadlang sa pagtataguyod sa dignidad ng tao. Hindi nakakamit ng mahihirap ang mga batayang pangangailangang dahil sa hindi tamang pagbabahagi ng yaman ng mundo. Bibigyang-diin ng mga turo ng Simbahang umiiral ang yaman ng mundo upang pagbahaginan. Hindi ito dapat nanatili sa kamay ng iilan. Lalong hindi ito dapat kinakamkam ng mga nasa posisyon.

Kaya naman, tinitingnan ng Santa Iglesia ang katiwalian bilang isa sa pinakaseryosong depormidad ng demokratikong sistema. Maituturing itong pagtataksil hindi lamang sa moralidad kundi maging sa prinisipyo ng panlipunang katarungan. Minsan ngang sinabi ni Pope Francis na ang mga dukha ang nagbabayad sa katiwalian. Ang katiwalian ay tahasang pagnanakaw sa mahihirap ng kanilang makakain at maaayos na serbisyo katulad ng sapat na ayuda sa gitna ng krisis, dekalidad na edukasyon para sa mga kabataan, at mahusay na serbisyong medikal.

Sa taong ito, ang tema ng World Day of the Poor ay mula sa Marcos 14:7: “Sapagkat habang panaho’y kasama ninyo ang mga dukha.” Pinaaalala ng mga salitang ito sa Ebanghelyo ang palagiang presensya ng mga dukha sa ating kapaligiran at ang hamong tingnan sila bilang mga kapatid natin. Hindi sila mga estatistika lamang. Sa darating na eleksyon, siguruhin nating makapagluluklok tayo ng mga lider na totoong itataguyod ang kaunlaran ng mahihirap. Kailangan natin ng mga lingkod-bayang lalabanan ang katiwalian bilang paggalang sa dignidad natin, lalo na ng mga maralita.

Mga Kapanalig, baunin natin ang mensahe ni Pope Francis ngayong World Day of the Poor: Kung ang mahihirap ay naisasantabing para bang kasalanan nila ang kanilang abang kalagayan, namimiligro ang konsepto ng demokrasya at ang bawat patakaran ay walang saysay. Nawa’y sama-sama nating tanawin ang bukas na naitataguyod ang kaunlarang kasamang umaangat ang mahihirap. Umpisahan natin ito sa pagpili ng mga tamang lider.

Sumainyo ang katotohanan.

 

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 9,234 total views

 9,234 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 17,219 total views

 17,219 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 24,755 total views

 24,755 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 40,740 total views

 40,740 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 48,784 total views

 48,784 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 9,235 total views

 9,235 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 17,220 total views

 17,220 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 24,756 total views

 24,756 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 40,741 total views

 40,741 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 48,785 total views

 48,785 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 45,788 total views

 45,788 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 44,213 total views

 44,213 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 45,999 total views

 45,999 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 42,924 total views

 42,924 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 57,238 total views

 57,238 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 60,928 total views

 60,928 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 59,531 total views

 59,531 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 69,518 total views

 69,518 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 73,486 total views

 73,486 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 84,373 total views

 84,373 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top