Mandatory vaccination policy ng pamahalaan, tinutulan ng labor groups

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 728 total reads

Tinutulan ng ibat-ibang labor groups ang nakatakdang pagpapatupad ng pamahalaan ng mandatory vaccination policy para sa mga manggagawang on-site nagtatrabaho.

Ito ay para sa mga piling lugar na maituturing ng pamahalaan na mayroong sapat na suplay ng bakuna at hindi tatanggalin ang mga manggagawang hindi magpapabakuna.

Naninindigan ang Sentro ng mga Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa (SENTRO), Federation of Free Workers (FFW) AT Kilusang Mayo Uno (KMU) na hindi dapat ipinapatupad ang sapilitang pagpapabakuna dahil unang pinairal ng Department of Labor and Employment (DOLE) panuntunan laban sa mandatory vaccination ng mga manggagagawa.

Iginiit ng labor groups na nagdudulot ng takot sa mamamayan ang kakulangan ng ‘Information Drive’ upang ipabatid ang kahalagahan at mga mabuting maidudulot ng pagpapabakuna laban sa COVID-19.

“i-wrap up ng government yung kanilang information drive ‘bakit mahalagang mag-pabakuna?’ pero more importantly yung vaccination kasi it is not because people don’t want to be vaccinated but the other people are looking for nicer vaccine ,” pahayag ni SENTRO Deputy Secretary General Joanna Bernice Coronacion sa Radio Veritas

Binigyan diin naman ni KMU Secretary General Jerome Adonis sa Radio Veritas na walang malinaw na information drive ang pamahalaan sa benepisyo ng COVID 19 vaccine.

Suliranin din kay FFW President Atty.Sonny Matula ang kakulangan ng pamamaraan ng pamahalaan upang maihatid ang sapat na suplay ng bakuna sa ibat-ibang bahagi ng Pilipinas maging sa National Capital Region (NCR).

Kinundena rin ng mga opisyal ng labor ang pagpasa ng pamahalaan ng responsibilidad sa mga manggagawa upang makakuha ng COVID-19 test results gamit ang kanilang sariling salapi.

Binigyang diin ni Adonis ng KMU na sa halip na tulong ay pasanin sa mga manggagawang nakaranas ng labis na paghihirap ang panukala ng bunsod ng pandemya ay karagdagang pasakit pa ang pagpapatupad mismo ng sariling pamahalaan sa nasabing panukala.

Bagamat naniniwala ang simbahang katolika na mahalaga ang pagpapabakuna laban sa COVID-19 ay hindi naman ito dapat maging hadlang sa karapatan ng mga manggagawa sa pagkakaroon ng hanapbuhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 16,433 total reads

 16,433 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 103,533 total reads

 103,533 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 150,273 total reads

 150,273 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 198,145 total reads

 198,145 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 301,384 total reads

 301,384 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top