1,383 total views
Inilunsad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong Agosto 11 ang “Sumbong sa Pangulo” website—isang online platform kung saan maaaring makita ng publiko ang listahan ng flood control projects sa buong bansa at magsilbing mekanismo ng check and balance sa pagpapatupad nito.
Sa press conference sa Malacañang, kinuwestiyon ng Pangulo ang alokasyon ng pondo matapos matuklasan na 20% ng ₱545 bilyong budget para sa flood control ay napunta lamang sa 15 kontratista.
Ibinunyag din ng punong ehekutibo na may mga proyekto sa magkaibang lugar na may eksaktong magkaparehong halaga ng kontrata—isang detalyeng aniya’y dapat imbestigahan pa.
“That’s something we have to dig deeper to,” giit ni Marcos.
Tiniyak din ng Pangulo na siya mismo ang personal na magbabasa at susuri sa mga reklamo at ulat ng mamamayan na ipapadala sa nasabing website.
Welcome move din kay Pangulong Marcos ang ginawang pag-ako ng negosyanteng si Ramon Ang sa pagbibigay ng solusyon sa baha sa Metro Manila.
“Anbody who wants to help is a welcome offer,” ayon pa sa pangulo.