Suporta sa mga nagpapakain sa atin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 848 total reads

Mga Kapanalig, kumusta ang pamimili ninyo sa palengke? Anu-ano ang nabibili ninyo sa dala ninyong badyet? Nakahanap na ba kayo ng bigas na bente pesos kada kilo? Ilang isda o piraso ng gulay ang kasya sa badyet ninyo?  

Ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin ang nangunguna lagi sa listahan ng mga isyung nais ng publikong tutukan ng gobyerno. Isang taon mula nang manungkulan si Pangulong BBM, ang pagkontrol sa inflation o ang bilis ng pagtaas ng presyo ng mga produkto, lalo na ng pagkain, ang top concern ng mga Pilipino, ayon sa survey na isinagawa ng Pulse Asia.  

Malaking hamon ito sa kasalukuyang administrasyon lalo na’t lumalabas na isa ang Pilipinas sa mga bansang pinakalantad o “most at risk” sa tumataas na presyo ng pagkain. Ayon iyan sa Nomura Food Vulnerability Index. Limampu sa mga bansang pinaka-vulnerable o kulang ang kakayahang makayanan o harapin ang tumataas na presyo ng pagkain ay tinatawag na emerging market economies. Kasama rito ang Pilipinas. 

Hindi raw nakatutulong na malaki ang ating pagdepende sa pagkaing inaangkat mula sa ibang bansa. Ito nga ang pangunahing estratehiya ng pamahalaan upang impluwensyahan ang presyo ng mga bilihin; kapag mas marami kasi ang suplay ng iba’t ibang uri ng pagkain, maasahang magiging stable—kung hindi man bababa—ang presyo ng mga ito sa pamilihan.  

Sa darating na Oktubre nga, papasok ang nasa 35,000 metriko toneladang galunggong mula sa ibang bansa. Ito raw ay para mapunan ang kakulangan natin sa galunggong ngayong closed fishing season na ipinatutupad upang hindi raw maubos ang mga isda sa sarili nating mga karagatan. Sa pagitan naman ng Nobyembre ngayong taon at Enero ng susunod na taon papasok ang halos kalahating milyong metriko toneladang bigas na aangkatin natin mula sa ibang bansa. Ang pag-aangkat ng bigas ay para daw punan naman ang inaasahang pagkasira ng mga tanim na palay dahil sa El Niño. Isa na nga tayo sa may pinakamaraming binibiling bigas mula sa ibang bansa. 

Pilit na pinahuhupa ng gobyerno ang mga pangambang mayroon tayong krisis sa pagkain. Ginagawa raw nito ang lahat upang tiyaking may pagkain sa ating mga mesa, lalo na para sa tinatayang 5.3 milyong Pilipinong walang pagkain o hindi nakakakain. (Ang datos na iyan ay mula sa United Nations Food and Agriculture Organization.) Ipinagmamalaki ng gobyerno ang mga Kadiwa stores kung saan sinasabing mas mura ang mga bilihin dahil sinasalo ng gobyerno ang gastos sa transportasyon upang madala ang mga produkto ng mga magsasaka sa mga tindahang ito. Ngunit hindi sasapat ang mga ito sa harap ng bultu-bultong produktong inaangkat nating lantad naman sa pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Hindi madaling resolbahin ang problema natin sa pagkain, ngunit magsimula sana ang gobyerno sa pagtulong sa ating mga magsasaka at mangingisda. Matagal na nilang panawagan ang sapat at tuluy-tuloy na suporta upang mapalago ang kanilang ani nang hindi sila nababaon sa utang para sa abono at iba pang mga kailangan nila. At ang tulong na ito ay dapat makarating sa kanila sa lalong madaling panahon at sa malinis na paraan—walang bawas, walang katiwalian. Ang pagtugon sa problema natin sa pagkain ay mahalaga sa pagtataguyod ng karapatan natin sa pagkain, isang karapatang sandigan ng ating dignidad bilang mga tao. 

Mga Kapanalig, ipinagkakaloob ng Diyos ang lahat ng ating mga pangangailangan, wika nga sa Filipos 4:19. Kasama sa mga pangangailangang ito ang pagkain, at katuwang natin sa pagkamit nito ang ating mga magsasaka at mangingisda. Kung gaano kasigasig ang gobyernong bumili ng pagkain sa ibang bansa, ganoon din sana ito sa pag-aabot ng tulong sa mga kababayan nating kumakayod upang tayo ay may makain.  

Sumainyo ang katotohanan. 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 171,918 total reads

 171,918 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 201,660 total reads

 201,660 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 235,783 total reads

 235,783 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 292,189 total reads

 292,189 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

LEADERSHIP PROBLEM

 171,919 total reads

 171,919 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 201,661 total reads

 201,661 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 235,784 total reads

 235,784 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 292,190 total reads

 292,190 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »
Scroll to Top