Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Suriin ang pamumuhay sa paggunita ng UNDAS

SHARE THE TRUTH

 5,872 total views

Pagnilayan ang nakagawiang pamumuhay at gawing kaaya-aya sa Diyos at kapwa.

Ito ang mensahe ni San Fernando, La Union Bishop Daniel Presto sa bawat mananampalataya bilang paggunita sa Araw ng mga Banal at Araw ng mga Yumaong Mahal sa Buhay.

Ayon kay Bishop Presto, ang paggunita sa mga araw na ito’y nagsisilbing paalala sa bawat isa upang suriin ang pamumuhay bilang mga manlalakbay sa mundo.

Sinabi ng obispo na makabubuting ayusin ito upang maging kaaya-aya sa mata ng Diyos at kapwa, at makamit ang kaligtasan at buhay na walang hanggan, katulad ng mga halimbawa ng mga banal.

“Inaalala natin ang mga banal, at sa ating pag-alala sa kanila, hilingin natin ang kanilang panalangin para sa mga naglalakbay pa rito sa lupa. Na kahit papaano’y makapaglakbay tayo na nakatuon ang paningin natin sa langit, na siyang ating hantungan. Tayo din nawa’y makapulot ng halimbawa mula sa naging buhay ng mga banal upang maging inspirasyon nating mamuhay ayon sa kabanalan,” ayon kay Bishop Presto sa panayam ng Radio Veritas.

Hinikayat din ni Bishop Presto ang mga mananampalataya na ipanalangin ang mga yumaong mahal sa buhay, hindi lamang tuwing Undas, kundi sa bawat pagkakataong sila’y maaalala, lalo na sa araw ng kanilang kamatayan.

Paliwanag ng obispo na sa tuwing magtitirik ng kandila sa puntod ng mga yumao, ang bawat panalangin ay hiling sa Diyos para sa kapatawaran ng mga kasalanan ng mga pumanaw.

“Sa ating pag-alala sa mga yumaong mahal sa buhay at sa pagdalaw sa kanilang libingan, atin silang ipagdadasal. Sa pagtitirik ng kandila sa kanilang puntod, hilingin natin sa Poong Maykapal ang paggawad ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan. Hindi lamang sa araw ng mga patay natin sila alalahanin ngunit sa tuwing atin silang maaalala at sa araw ng kanilang kamatayan,” ayon kay Bishop Presto.

Sa katuruan ng simbahan, ang pag-aalay ng panalangin para sa mga yumaong mahal sa buhay ay hindi lamang nakatutulong para sa kapayapaan ng kanilang kaluluwa kundi nagbibigay rin ng aliw sa mga naiwang pamilya.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 6,547 total views

 6,547 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 27,275 total views

 27,275 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 35,590 total views

 35,590 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 54,244 total views

 54,244 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 70,395 total views

 70,395 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Mga katutubo, nagpapasalamat kay Pope Francis

 3,848 total views

 3,848 total views Ipinahayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP) ang taos-pusong pagkilala ng mga katutubo kay Pope

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

“He is heaven’s gain.”

 5,592 total views

 5,592 total views Ito ang naging mensahe ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao kaugnay sa pagpanaw ng punong pastol ng Simbahang Katolika, Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 10,950 total views

 10,950 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Jubilee walk of farmers, suportado ng CEAP

 12,942 total views

 12,942 total views Suportado ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang pakikipaglaban ng mga katutubo, mangingisda, at mga residente ng Mariahangin Island sa Bugsuk,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top