179 total views

Mga Kapanalig, mahigit tatlumpu’t isang milyong Pilipino ang bumoto kay President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. Kasabay ng mga panawagang magkaroon ng imbestigasyon sa mga alegasyon ng iregularidad, unti-unti namang lumabalas na ang mga plano at susunod na mga hakbang ng bagong administrasyon.

Maraming nag-aabang na hamon kay President-elect Marcos, Jr. Nariyan ang 12 trilyon pisong utang ng bansa upang matugunan ang pandemya at mga epekto nito. Lumobo rin ang bilang ng mahihirap sa bansa. Tinatayang nasa 23.7% ng populasyon sa bansa o mahigit 26 milyong Pilipino ang mahirap. Nasa 6.4% o mahigit tatlong milyong Pilipino ang unemployed o walang trabaho. Kuwestiyon din, lalo na sa mga human rights groups, kung uusad pa ang mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao nitong nagdaang administrasyon, partikular na sa war on drugs ni Presidente Duterte.

Sa gitna ng mga ito, patuloy ang batuhan ng masasakit na salita sa social media ng mga tagasuporta ng mga nanalo at natalong kandidato. Umabot ito sa batuhan ng hindi magagandang salita at sa pangmamaliit sa mga taong iba ang sinusuportahang kandidato. May mga hindi makatanggap na ang anak ng diktador at pinatalsik ng EDSA People Power noong 1986 ay muling magbabalik sa kapangyarihan. Paano raw siya magiging mabuting lider kung nahaharap siya at ang kanyang pamilya sa iba’t ibang kaso? Noong kampanya, ni hindi siya sumipot sa ilang debate upang ipresenta ang kanyang mga plano. Todo-iwas pa siya sa mga tanong ng mga taga-media. Dahil sa mga ito, may ilang nagbantang hindi na sila lalahok sa pamamahala, at wala nang magiging pakialam sa mayoryang bumoto kay Ginoong Marcos.

Ngunit ang pakikilahok ng taumbayan ay mahalagang bahagi ng isang demokratikong sistema ng pamahahala. Kinikilala ito maging ng mga panlipunang turo ng Simbahan. Sa araw ng halalan, ginagamit natin ang kanilang kapangyarihang pumili ng kanilang mga lider, ngunit hindi roon natatapos ang ating pakikibahagi sa demokrasya. Asahan dapat ng taumbayan sa kanilang mga inihalal ang pagganap nila sa kanilang mga tungkulin sa bayan. Naniniwala ang Simbahang upang tunay na paglingkuran ng pamahalaan ang taumbayan, kailangan ang pakikilahok natin sa pamamahala—mula sa mga barangay, munisipyo, at lungsod hanggang sa pambansang pamahalaan. Dahil dito, importanteng manatiling may alam at may pakialam ang taumbayan sa mga ginagawa ng pamahalaan.

Maaaring mabigat sa kalooban ng mga Pilipinong hindi bumoto sa mga nahalal na kandidato ang pakikilahok sa bagong administrasyon. Gayunpaman, higit itong kailangan sa gitna ng maraming hamong kinakaharap ng ating bayan. Lalong kailangan ang partisipasyon ng taumbayan upang masigurong magagamit nang wasto ang kaban ng bayan, matutugunan ang kahirapan at kawalan ng trabaho, at mapoprotektahan ang karapatan at kalayaan ng lahat. Ang pakikilahok sa pamamahala ay hindi rin nangangahulugang sasang-ayon tayo lagi sa gustong mangyari ng mga nasa poder. Isaisip din nating hindi salungat sa hangarin ng Diyos na itaguyod ang buhay at dignidad ng bawat isa ang tungkuling dapat ginagampanan at inaasahan natin mula sa mga nasa pamahalaan. Kaya naman kailangan ang pagiging mapagmatyag taumbayan sa pamahalaan—sinuman ang naluklok—upang maisakatuparan ang tungkulin ng pamahalaan.

Mga Kapanalig, isang moral at espiritwal na tungkulin ang pakikilahok sa pamamahala. Katulad ng sinasabi sa Mga Gawa 5:29: “Sa Diyos kami dapat sumusunod, at hindi sa tao.” Sa kabila ng mga kabiguan at pagsasakitan sa nagdaang halalan, nawa’y mahanap natin ang lakas ng loob na isulong ang hangarin ng Diyos sa pamamagitan ng maayos na pamamahala. Patuloy tayong makilahok upang makamit natin ang pinapangarap nating makatao, makatarungan, at makatotohanang lipunan. Susi ang kritikal pakikilahok ng bawat isa sa atin sa pagpapanday ng lipunang ito, nanalo man o natalo ang kandidatong sinuportahan natin.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Financial Inclusion

 17,625 total views

 17,625 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »

Benepisyo ng Digital Technology

 21,870 total views

 21,870 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »

Alin ang mas matimbang?

 28,785 total views

 28,785 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »

Kultura ng pagpapanagot

 44,163 total views

 44,163 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »

Maging tapat sa taumbayan

 56,587 total views

 56,587 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 17,626 total views

 17,626 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Benepisyo ng Digital Technology

 21,871 total views

 21,871 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alin ang mas matimbang?

 28,786 total views

 28,786 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kultura ng pagpapanagot

 44,164 total views

 44,164 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging tapat sa taumbayan

 56,588 total views

 56,588 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Farm lots

 57,026 total views

 57,026 total views Kapanalig, usong uso na ang farm lots sa ngayon. Kapag sumilip ka sa social media, ang daming nagbebenta ng mga lupang agrikultural. May mga mahal, may mga mura. May mga rights lang na tinatawag, may mga may titulo o certificates. Madami ang nais bumili, kapanalig, kaya nga’t tumataas ng tumataas ang halaga ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Wage Gap

 58,232 total views

 58,232 total views Kapanalig, ang ganda ng achievement ng Pilipinas pagdating sa gender equality in education. Sa larangan kasi ng edukasyon, equal na o pantay na ang access ng babae at lalake. Sana hindi natin masayang ito kapanalig. Malaking milestone na ito pagdating sa gender issues sa ating bayan. Kaya lamang pagtapos makapag-aral ng maraming kababaihan,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Education Equality

 68,223 total views

 68,223 total views Kapanalig, ang gender equality sa Pilipinas ay isa sa mga hinahangaan sa Asya. Itong 2023, pang 16 pa nga ang bayan sa 146 countries sa buong mundo pagdating sa gender equality, ayon sa Global Gender Gap Index Report. Pang 19 tayo dito noong 2022. Tayo ang pinaka gender equal sa Asya. Apat na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bigyang-pansin ang pagpapabakuna

 53,608 total views

 53,608 total views Mga Kapanalig, ang inyong mga anak, gaya ng sabi sa Mga Awit 127:3, ay mga pagpapalang kaloob ni Yahweh. Bilang mga regalong galing sa ating Diyos, paano ninyo ipinakikita ang pagpapahalaga sa inyong mga anak? Siguro, ang pinakamadaling sagot dito ay ang pagbibigay ng kanilang mga pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain, tirahan, at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive mobility

 68,367 total views

 68,367 total views Mga Kapanalig, simula ngayong linggo, bawal nang dumaan ang mga light electric vehicles (o LEVs) katulad ng e-bikes, e-trikes, at e-scooters sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila. Ang lalabag sa patakarang ito ng MMDA ay pagmumultahin ng ₱2,500. Kukumpiskahin din ang ‘di rehistradong LEV. Hindi natin maikakailang dumarami ang tumatangkilik ng LEVs

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Para sa content?

 58,861 total views

 58,861 total views Mga Kanapalig, napanood ba ninyo ang video ng mga vloggers mula sa South Cotabato kasama ang dalawang tarsier?  Makikita sa video ang isang vlogger na tumatawa habang hawak-hawak ang isang tarsier. Kausap niya ang may hawak ng camera na noong una ay ipinakikita lamang ang isa pang tarsier na nakakapit sa tangkay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kabuhayan sa Bangketa

 78,258 total views

 78,258 total views Ang bangketa ay maraming bagay para sa mga Pilipino. Ito ay daanan, minsan tahanan, at kadalasan, tindahan ng maraming Pilipino. Dahil sa hirap ng buhay, oo, pati bangketa ay nagiging pwesto na ng maraming maliliit na negosyanteng Pilipino. Ang bangketa kasi ay daluyan ng tao, at kung saan may tao, may benta. Kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Street People

 89,373 total views

 89,373 total views Kapanalig, buksan natin ang ating mga mata. Dito sa Metro Manila, napakarami ng mga Pilipinong sa kalye nananahan, at tinatayang mga 250,000 dito ay mga children in street situations o CISS. Tahakin mo lang ang ilang major roads sa ating bayan, bubungad na agad sila. Mga Pilipinong nasa kalye ang hanapbuhay, at sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Buhay sa Slum Settlements

 93,294 total views

 93,294 total views Madilim. Masikip. Marumi. Ito ay ilan lamang sa mga salitang naglalarawan sa mga slum areas sa ating bayan. Ang mga daanan sa ganitong lugar, motor o tao lamang ang kasya. Nagsasalubong na ang kanilang mga bubong kaya minsan, kahit araw, madilim sa mga eskinita. At dahil malayo sa daanan ng mga garbage collectors,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga katutubong pinaasa at pinalayas

 76,221 total views

 76,221 total views Mga Kapanalig, nagulat at nanlumo ang 44 na miyembro ng tribong Ati sa isla ng Boracay nang palayasin sila sa lupang inakala nilang napakasamay na nila. Linggo ng Palaspas nang dumating ang mga guwardyang naglagay ng mga piraso ng yero upang paligiran ang lupa. Hindi sila pinapasok ang mga katutubo kahit pa namagitan

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top