Synod on Synodality, isang eye-opener sa mga layko ng Archdiocese of Cebu

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,144 total reads

Naniniwala ang opisyal ng Cebu Archdiocesan Commission on the Laity na mas lalago ang Simbahan sa isinagawang Synod on Synodality.

Sa panayam ng Radio Veritas kay LayKo Cebu Chairperson Fe Barino, sinabi nitong mahalagang mabigyang pagkakataong mapakinggan ang iba’t ibang sektor ng lipunan bilang bahagi ng Simbahan.

Ayon kay Barino sa pamamagitan ng sinodo mas mahimok pa ang mamamayan na makiisa sa misyon ng simbahan.

“There’s really hope na kung kini sila (layko) tagaan ug voice, tagaan ug chance to participate molambo gyud ang atong simbahan; this is very important voice o mga sentiments that we need to listen to encourage them to participate in the mission of the church,” pahayag ni Barino sa Radio Veritas.

Puspusang isinagawa ng Archdiocese of Cebu ang synod on synodality sa 270 mga parokya at iba’t ibang sectoral groups na layong pakinggan ang kanilang hinaing at mungkahi sa simbahan.

Ibinahagi ni Barino na ikinagalak ng mga sectoral groups na kanilang binisita ang isinagawang sinodo sapagkat paiigting nito ang kani-kanilang talento na makatutulong sa simbahang katolika at sa mananampalataya.

“They feel that they are really part of the church. I am happy at ngayon ko lang na-realize na marami pala at iba-iba ang mga gift ng bawat tao that are very important to the life of the church and these are the lay people,” saad ni Barino.

Bilang pakikiisa sa panawagan ni Pope Francis na paghahanda sa Synod of Bishops sa 2023 na binuksan noong October 2021, bumuo ng grupo ang arkidiyosesis na mangangasiwa sa synodal consultations sa pangunguna ni Cebu Auxiliary Bishop Midyphil Billones kasama si Barino at ilang pari at relihiyoso.

Layon ng synodal journey na makalikha ng preparatory document na isusumite sa Vatican upang talakayin sa pagtitipon ng mga obispo sa susunod na taon.

Igiiit ni Barino na ang inilunsad ni Pope Francis na Synod on Synodality ay maituturing na eye-opener upang lawakan ang pakikibahagi sa simbahan ng mga layko bilang iisang katawan ni Kristo.

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 15,659 total reads

 15,659 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 4,986 total reads

 4,986 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 86,659 total reads

 86,659 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 180,884 total reads

 180,884 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 241,373 total reads

 241,373 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 255,027 total reads

 255,027 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 34,628 total reads

 34,628 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »
Scroll to Top