Synodal conversion, yayakapin ng simbahan sa Asya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,150 total reads

Iginiit ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na ang natatanging pagkakaiba-iba ng Asya ang mahalagang ambag nito sa pandaigdigang Simbahan.

Ito ang mensahe ng kardinal sa panawagan ni Pope Leo XIV na maging instrumento ng pagbubuklod ng pamayanan at hindi taga-paghasik ng pagkakahati-hati.

Sa pagninilay ng kardinal sa mensahe ng Santo Papa para sa ika-12 Plenary Assembly ng Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC) sa July 20 hanggang 26, sinabi nitong ang mayamang pagkakaiba-iba ng mga mamamayan, kultura, at relihiyon sa Asya ay nagsisilbing lakas upang isulong ang pagkakaisa.

“Asia has always been a continent of extraordinary diversity. Perhaps for that very reason, she has something important to offer the universal Church: not uniformity, but communion; not conquest, but encounter; not walls, but bridges,” ayon kay Cardinal David.

Binigyang-diin ng vice president ng FABC na ang mensahe ni Pope Leo XIV ay malinaw na paanyaya sa Simbahan na yakapin ang synodal conversion at patuloy na maging instrumento ng pagkakaisa sa gitna ng isang mundong nahaharap sa mga hidwaan at pagkakahati-hati.

“The Holy Father speaks of the Church as a builder of communion rather than an architect of Babel,” ani Cardinal David.

Ayon sa kardinal, ang panawagan ay kaakibat ng paalala ng Santo Papa na ang bawat pagpapasya ng Simbahan ay dapat naaayon sa kalooban ng Diyos at laging nakatuon sa kapakanan ng tao.

“He invites us to place God at the horizon of all our decisions and the human person at their center,” aniya.

Hinikayat din ni Cardinal David ang Simbahan na huwag matakot harapin ang mga hamon ng kasalukuyang panahon at makibahagi sa pagtataguyod ng kabutihang panlahat.

“He encourages us not to be afraid of getting our hands dirty on the building site of today’s world,” dagdag pa nito.

Inihayag ng kardinal na si Hesukristo ang sentro ng tunay na synodal conversion dahil Siya ang nag-uugnay sa Diyos at sa sangkatauhan.

Dagdag pa niya, ang tunay na pagbabago ay makikita sa pagsunod sa halimbawa ni Kristo at magiging daan sa pagbubuklod.

“Synodal conversion therefore means allowing ourselves to be drawn into his way of building bridges—with peoples, cultures, religions, the poor, and our common home,” aniya.

Isasagawa ang ika-12 plenary assembly ng FABC sa Jakarta, Indonesia, kung saan magtitipon ang mga obispo mula sa iba’t ibang bansa sa Asya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 10,096 total reads

 10,096 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 49,608 total reads

 49,608 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 84,908 total reads

 84,908 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 311,177 total reads

 311,177 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 203,943 total reads

 203,943 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top