Pope Leo XIV, nanawagan sa international community na isulong ang dayalogo at diplomasya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,211 total reads

Muling nanawagan si Pope Leo XIV sa pandaigdigang pamayanan na isulong ang dayalogo at diplomasya sa gitna ng lumalalang kaguluhan sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Iginiit ng Santo Papa na ito lamang ang tunay na daan tungo sa makatarungan at pangmatagalang kapayapaan.

Sa kanyang Angelus sa Castel Gandolfo noong July 12 inihayag ng Santo Papa ang kanyang pagkabahala sa patuloy na paglaganap ng mga armadong tunggalian na patuloy na kumikitil ng buhay ng mga inosente.

“Unfortunately, the winds of war are blowing once again in the Middle East, in Ukraine and in many other parts of the world, sowing violence, terror and death, and once again affecting many innocent people,” ayon kay Pope Leo XIV.

Binigyang-diin ni Pope Leo na hindi dapat mawalan ng pag-asa ang sangkatauhan sa kabila ng mga umiiral na digmaan at karahasan.

“I renew my hope that we will persevere on the path of dialogue, encounter and diplomacy. This is the only path capable of leading to a just and lasting peace, in which peoples can live in reconciliation, mutual security and respect for the dignity of every person,” ani ng Santo Papa.

Sa kanyang pagninilay sa Ebanghelyo tungkol sa Talinghaga ng Manghahasik, binigyang-diin naman ni Pope Leo ang walang sawang pagmamahal at pagtitiwala ng Diyos sa sangkatauhan sa kabila ng kahinaan ng tao.

Ayon sa punong pastol, hindi tumitigil ang Diyos sa paghahasik ng Kanyang Salita sapagkat nananatiling higit na makapangyarihan ang Kanyang pag-ibig kaysa sa kahinaan ng tao.

“The Father never ceases to sow, because he knows that the power of his love is stronger than our weakness,” pahayag ni Pope Leo XIV.

Paalala nito na hindi nawawalan ng tiwala ang Panginoon sa bawat tao at sa kakayahan nitong magbago sa tulong ng pananampalataya.

“The Lord, who knows the soil of our hearts better than we, never ceases to believe in us — in who we are and in who we can become, day by day, if we entrust ourselves to him in faith,” dagdag pa ng Santo Papa.

Hinimok din ni Pope Leo ang mga mananampalataya na pagyamanin ang pakikinig, pagbabasa at pagninilay sa Salita ng Diyos, lalo na sa panahon ng bakasyon, upang magbunga sa kanilang buhay ang mga kaloob ng Espiritu Santo.

Dalangin ni Pope Leo na sa pamamagitan ng panalangin, pagninilay sa Salita ng Diyos at patuloy na pagtitiwala sa Panginoon ay maging mga tagapaghatid ng Mabuting Balita at mga instrumento ng kapayapaan ang bawat Kristiyano sa gitna ng mundong nahaharap sa digmaan at pagkakahati-hati.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 25,390 total reads

 25,390 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 110,712 total reads

 110,712 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 148,085 total reads

 148,085 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 179,344 total reads

 179,344 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 251,075 total reads

 251,075 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top