Taal at Mayon volcano, binabantayan ng OCD

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,724 total reads

Binabantayang mabuti ng Office of Civil Defense (OCD) ang kalagayan Bulkan Mayon sa Albay at Bulkang Taal sa Batangas kasunod ng pagtaas sa mga aktibidad nito.

Ayon kay OCD Administrator Ariel Nepomuceno, inatasan na ang regional civil defense offices at disaster risk reduction and management (DRRM) councils upang tiyakin ang paghahanda sakaling lumala ang sitwasyon ng mga bulkan.

“This is standard procedure for the OCD as we continue to ensure that local governments are onboard and ready for any contingency.” pahayag ni Nepomuceno.

Muli namang hinikayat ni Nepomuceno, na siya ring executive director ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang publiko na sundin ang mga paalala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) lalo na sa mga pamayanang nakapaligid sa Bulkang Mayon at Taal.

Kabilang na rito ang pag-iwas sa pagpasok sa mga lugar na nakapaloob sa permanent danger zones, at pagkakalantad sa mga ibinubugang sulfur dioxide na nagsasanhi ng volcanic smog o vog na mapanganib sa kalusugan.

“Though there is no imminent threat of a major eruption coming from Taal and Mayon, as seen in the latest bulletins of PHIVOLCS, our mandate to proactively prepare for these possible hazards dictates that preparations continue to prevent casualties and other damages.” saad ni Nepomuceno.

Batay sa huling ulat ng PHIVOLCS, nananatili sa Alert Level 2 ang Bulkang Mayon at nakapagtala ng dalawang volcanic earthquakes at 46 rockfall events sa nakalipas na 24-oras.

Habang nakataas pa rin sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal na nakapagtala naman ng isang volcanic tremor at patuloy na nagbubuga ng vog.

Una nang nanawagan sa publiko ang Diocese of Legazpi at Archdiocese of Lipa na paigtingin ang paghahanda, at patuloy na manalangin ng Oratio Imperata para sa paggabay at kaligtasan ng lahat mula sa mga aktibidad ng Bulkang Mayon at Taal.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 48,100 total reads

 48,100 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 165,547 total reads

 165,547 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 250,916 total reads

 250,916 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 297,656 total reads

 297,656 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 345,523 total reads

 345,523 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 441,324 total reads

 441,324 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 174,024 total reads

 174,024 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top