TALO NA NAMAN ANG MGA PILIPINO

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 88,239 total reads

Sa ating mga manggagawang Pilipino, ang hindi pagpasok ng isang araw sa trabaho ay napakalaking kawalan sa ating pamumuhay. Katumbas ng isang araw na bawas sa suweldo ay katumbas ng tatlong araw na paghihigpit sinturon upang makaraos., makasurvive sa hirap ng buhay ang isang manggagawang sumasahod lamang ng minimum wage. Sa pamamagitan ng ikinakaltas na buwis sa ating mga Pilipino ay sumasahod ang lahat ng kawani ng pamahalaan., mula sa ating dugo at pawis.

Sa ating mga ordinaryong laborers at empleyado, wala tayong natatanggap na kompensasyon kapag hindi pumasok ng trabaho. Kapag hindi tayo pumasok ng trabaho., maaring sumailalim tayo sa disciplinary action.,salary deductions.,at kapag minalas., matatanggal sa trabaho.

Kapanalig, marami sa mga opisyal ng gobyerno ang ating pinapasahod na hindi pumapasok ng trabaho. Tulad ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa. Nobyembre 11, 2025, pa hindi na pumapasok sa trabaho sa Senado si Senador Bato. Natakot ang Senador na pumasok sa trabaho dahil sa inilabas na warrant of arrest ng International Criminal Court. Si dela Rosa ay co-perpetrator ng dating pangulong Rodrigo Duterte na nakakulong ngayon sa ICC sa The Hague Netherlands dahil sa kasong “crime against humanity” bunsod ng maramihang pagpatay sa isinagawang “war against drugs”.

Bakit ka matakot kung wala kang ginawang kasalanan?

Ang hindi pagpasok ng isang nakaupong Senador at hindi pagtupad sa kanyang tungkulin ay malinaw na paglabag sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng taumbayan.

Kapanalig, sa nilagdaang batas na General Appropriations Act of 2026 (GAA-2026).., ang isang nakaupong Senador ay may buwanang budget na 29.76-milyong piso. Ibig sabihin, si Senador dela Rosa ay pinapasahod ng isang milyong piso kada-araw nating mga Pilipino., hindi pa pumapasok ng trabaho yan. Bilang halal na public official na tumatanggap na kompensasyon mula sa pera ng bayan, konstitusyunal at moral na obligasyon ng isang Senador na dumalo sa mga sesyon, sumali sa legislative deliberations at oversight responsibilities.

Hindi dapat tino-torelate ng Senado lalu na ng Senate Ethics Committee ang gawain ni Senador dela Rosa., dapat itong parusahan kung lumabag sa Senate rules at Code of Conduct for Government officials.

Hindi lang yan ang pagkakamali ni Senador dela Rosa., pinapasahod din nating mga Pilipino ang buong angkan ng Senador na kanyang kinuhang mga staff sa Senado. Ang anak na babae ay kanyang Chief of Staff na may salary grade na 30., isa pang anak na babae ay Director II ang posisyon na may salary grade na 26., ang iba pang posisyon ay sa Senate Office ay mga pamangkin, pinsan., brother-in-law(bayaw) at mga sister-in-law(hipag).

Hindi ba nilalabag ni Dela Rosa ang Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees?
Sinasabi ng Catechism of the Catholic Church 1902: “Authority does not derive its moral authority from itself. It must not behave in despotic manner, but must act for common good of the nation in which they have been imposed”.

Nililinaw naman ng CBCP sa mga politiko na “public service is a calling, not just career”.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 84,401 total reads

 84,401 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 118,552 total reads

 118,552 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 153,852 total reads

 153,852 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 380,121 total reads

 380,121 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 269,047 total reads

 269,047 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Just energy transition sa Semirara

 84,402 total reads

 84,402 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 118,553 total reads

 118,553 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 153,853 total reads

 153,853 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 380,122 total reads

 380,122 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »
Scroll to Top