Papal honor kay Desy Kelly, hindi lamang pagkilala kundi isang “ecclesial affirmation”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,412 total reads

Iginiit ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na ang paggawad ng Pro Ecclesia et Pontifice Award kay Manuela Eudes “Desy” Kelly ay hindi lamang simpleng pagkilala kundi isang malinaw na “ecclesial affirmation” ng uri ng pamumuhay na nakahanay sa kalooban ng Diyos.

Ito ang binigyang-diin ng Kardinal sa seremonya ng paggawad ng parangal kay Kelly na ginanap sa Minor Basilica and Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception o Manila Cathedral noong February 26.

Ayon kay Cardinal Advincula, ang naturang pagkilala ay higit pa sa isang dekorasyon at hindi nakasentro sa panlabas na tagumpay kundi sa panloob na katapatan sa tawag ng binyag.

“This distinction is not simply an honorific decoration, but an ecclesial affirmation. It reminds us of the universal call to holiness to which our baptism summons all of us in communion with all the people of God and the successor of Peter,” pahayag ni Cardinal Advincula.

Binigyang-diin nito na hindi sapat ang pagiging Katoliko sa pangalan lamang, sapagkat ang mga parangal ng Simbahan ay sumasagisag sa mas malalim na pamumuhay ng pananampalataya na isang buhay na nakatuon hindi lamang sa panlabas na paglilingkod kundi sa panloob na pakikipagkaisa sa Diyos.

“These awards are not only a reward for generosity nor a recognition of service, but also point to something deeper and more essential: a life that seeks to be aligned with the will of God, not only externally but also internally,” dagdag pa ni Cardinal Advincula.

Paalala rin ng Kardinal kay Kelly na ang pagtanggap ng naturang papal award ay hindi pagtatapos ng misyon.

“Please remember that this is not yet your graduation from Christian life, nor your canonization,” ani Cardinal Advincula.

Samantala, tiniyak ni Kelly na hindi niya itinuturing na wakas ang natamong pagkilala kundi panibagong hamon sa mas malalim na pagtatalaga sa misyon ng Simbahan.

“Hindi daw ito graduation… siguro hanggang kamatayan na ito na kung ano yung maitutulong ko, nandito lang naman kami para tumulong sa misyon ng mga Katoliko,” pahayag ni Kelly sa Radyo Veritas.

Ibinahagi rin niya na ang parangal ay hindi lamang para sa kanya kundi para sa kanyang mga katuwang sa paglilingkod kabilang ang pamilya, mga kasamahan sa komunikasyon, at iba pang katuwang sa misyon.

Iginiit ni Kelly na ang tunay na paglilingkod ay hindi dapat inuugnay sa personal na kapakinabangan.

“You just have to do it na talagang happy ka without even receiving in return. Huwag kang magbilang, gawin mo ang dapat,” ani Kelly.

Binigyang-diin din niya ang mahalagang papel ng komunikasyon sa misyon ng Simbahan at ang pangangailangang magkaisa ang mga diyosesis upang higit na mapalakas ang presensya ng Simbahan sa larangan ng media.

Para kay Kelly, ang Pro Ecclesia et Pontifice Award ay hindi lamang isang karangalan kundi paanyaya sa mas masigasig at pangmatagalang paglilingkod, patunay na ang tunay na pagkilala ng Simbahan ay nakaugat sa pusong tapat na tumutugon sa tawag ng Diyos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 86,426 total reads

 86,426 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 120,307 total reads

 120,307 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 155,606 total reads

 155,606 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 381,876 total reads

 381,876 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 270,719 total reads

 270,719 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top