Diwa ng EDSA people power, napakahalaga sa kasalukuyan-Bishop Baylon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 32,783 total reads

Binigyang-diin ni Legazpi Bishop Joel Baylon ang kahalagahan ng diwa ng EDSA People Power Revolution sa kasalukuyang panahon, lalo na para sa mga kabataan.

Ayon sa Obispo, nananatiling buhay ang pag-asa at diwa ng EDSA People Power Revolution na naganap 40-taon na ang nakakalipas noong 1986.

Sa kanyang pagninilay, binigyang-diin ni Bishop Baylon na ang pag-asa ng sambayanan ay nakaugat sa presensya ng Espiritu Santo na nananatili sa bansa magpahanggang sa ngayon.

Paliwanag ng Obispo, ang tunay at pangmatagalang pagbabago ay hindi lamang nagsisimula sa lansangan kundi sa puso ng bawat isa.

“We believe that there is hope, and hope just not disappoint, because hope is pounded on the gift of the Holy Spirit and the Holy Spirit remains with us, EDSA [People Power Revolution] remains with us.” Bahagi ng pagninilay ni Bishop Baylon.

Pagbabahagi ni Bishop Baylon, ang EDSA ay hindi lamang isang pangyayari sa kasaysayan kundi isang patuloy na paanyaya sa bawat Pilipino na magsimula ng pagbabago sa sarili.

Bilang pagpapatuloy sa diwa ng EDSA People Power Revolution hinimok ng Obispo ang mga mananampalataya na isabuhay ang parehong tapang at paninindigan para sa katotohanan sa lipunan upang makamtan ang tunay na pagbabago at pag-unlad ng bansa.

“Let us begin with ourselves EDSA [People Power Revolution] begun in that way, in the heart of every person who went there to face the tanks, to proclaim the truth, and to be instruments of peace. Let us do that, that there may be real change, real progress in this beloved country that we called the Philippines. Power belongs to the people, transparency, accountability, and liberty are the true lessons of EDSA [People Power Revolution].” Dagdag pa ni Bishop Baylon.

Pinaalalahanan din ng Obispo ang mga mananampalataya na ang diwa ng EDSA ay nananatiling hamon at inspirasyon na isa ring paanyaya sa patuloy na paninindigan para sa katotohanan, pananagutan, at kalayaan para sa lahat.

Sa pamamagitan ng isinagawang “March of Heroes” sa Albay Cathedral noong ika-25 ng Pebrero, 2026 ay isinabuhay ng mga kabataang Katoliko mula sa iba’t ibang paaralan at samahang pansimbahan ng Diyosesis ng Legazpi ang mga pambansang bayani, mga pangunahing personalidad ng EDSA People Power Revolution, at mga makabagong saksi ng pananampalataya.

Matapos ang isinagawang pagmamartsa, naghandog ang mga kalahok na grupo ng malikhaing presentasyon sa pamamagitan ng kasuotan, at pagtatanghal upang bigyang-diin ang diwa ng EDSA People Power Revolution na kalayaan, katotohanan, at lakas ng loob na manindigan para sa tama.

Sinundan naman ito ng pagdiriwang ng Banal na Misa na pinangunahan ni Bishop Baylon kung saan hinamon rin ng Obispo ang mga kabataan na isabuhay ang diwa ng People Power sa pang-araw-araw na buhay sa pamamagitan ng paninindigan para sa katotohanan, pagtanggi sa kasinungalingan at maling impormasyon, at pagiging instrumento ng pag-asa, katarungan, at kapayapaan sa lipunan.

Sa paggunita sa ika-40 taon ng EDSA People Power Revolution, ipinakita ng kabataan ng Legazpi na ang diwa ng pagkakaisa at mapayapang pagkilos ay patuloy na nabubuhay sa bagong henerasyon ng Simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 23,728 total reads

 23,728 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 61,036 total reads

 61,036 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 79,247 total reads

 79,247 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 163,575 total reads

 163,575 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 199,837 total reads

 199,837 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 37,555 total reads

 37,555 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top