Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Tamang pagpapatupad ng Agri-Agra Law

SHARE THE TRUTH

 153 total views

Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa batas na Agri-Agra Law Reform Credit Act?

Naipasa noong 2009, ipinag-uutos ng batas na ito na maglaan ang mga bangko ng hindi bababa sa 25% ng kanilang kabuuang pautang o loan portfolio para sa agrikultura, pangisdaan, at repormang agraryo. Sa portfolio na ito, 10% ang dapat italagang pautang para sa mga benepisyaryo ng repormang agraryo o agrarian reform.

Kumusta ba ang pagpapatupad ng batas na ito matapos ang higit isang dekada?

May katulad na batas na naipasá noong panahon ng administrasyon ni Pangulong Marcos.  Dahil itinuturing ng mga bangko na high-risk o napakadelikado ang magpautang sa mga magsasaka o sa sektor ng agrikultura dahil sa malimit na bagyo at iba pang mga kalamidad, pinili ng mga bangkong sumunod sa mga alternatibong pamamaraang iniaalok ng Bangko Sentral katulad ng pamumuhunan sa mga government securities. Maliit man ang interes sa ganitong pamumuhunan, tiyak naman ang kita at walang talo ang mga bangko.

Nagpatuloy ang ganitong kalakaran sa ilalim ng Agri-Agra Law. May mga idinagdag na paraan ng pagsunod sa batas katulad ng pamumuhunan sa tinatawag na bonds ng Development Bank of the Philippines at Land Bank, o di kaya’y paglalagak ng dagdag na kapital sa mga rural banks, cooperative banks o farmer’s cooperatives. Ngunit mas pabor ang mga bangkong patawan sila ng multa sa hindi pagsunod sa batas kaysa sa mahirapan at maperwisyo sa pagpapautang sa sinasabing high-risk na sektor ng mga magsasaka at mangingisda. Ayon sa isang opisyal ng Bangko Sentral, mga dalawang bilyon piso kada taon ang kabuuang nasisingil na multa mula sa mga hindi sumusunod sa batas.

Bilang tugon sa hindi matagumpay na pagpapatupad ng batas, pinasimulan ng Bangko Sentral, Department of Agriculture, at Department of Agrarian Reform noong Marso ang pag-amyenda sa implementing rules and regulations (o IRR) ng batas. Sa pamamagitan daw nito, mas madaling makauutang ang mga magsasaka at mangingisda sa mga bangko, lalo na’t matindi rin ang naging epekto ng COVID-19 pandemic at mga kalamidad sa kanilang kabuhayan. Ngunit higit sa pag-amyenda sa IRR, hinihimok ng Bangko Sentral na baguhin na ng Kongreso ang Agri-Agra Law upang tunay na mahikayat ang mga bangko na magpautang sa mga magsasaka at mangingisda, at matugunan ang pangangailangang pampinansyal ng sektor ng agrikultura at pangisdaan.

Mahalaga ang papel na ginagampanan ng sektor ng agrikultura sa ekonomiya ng ating bansa. Nang tinamaan ang ating bayan ng pandemya nitong 2020, tanging ang sektor na ito lamang ang nagtala ng positibong kontribusyon sa ekonomiya, tanda ng kahalagahan at pangunahing pangangailangan natin sa pagkain. Kahit sa Ebanghelyo, sa Mateo 14: 13-21, matutunghayan nating mahalaga ang pagkain para sa kabutihan ng tao nang paramihin ni Hesus ang tinapay at isda upang mapakain ang limanlibong tao.

Isa ring kabalintunaang ang ating mga magsasaka at mangingisda ay kabilang sa mga pinakamahihirap na sektor ng ating lipunan. Kung sapat at makabuluhang ayuda lamang sana ang naiaabot sa kanila, katulad ng abot-kayang pautang, hindi lamang ang sarili nilang pamilya ang mapangangalagaan nila kundi ang buong bayang umaasa sa pagkaing kanilang itinatanim, inaalagaan, at inaani. Sabi nga sa Catholic social teaching na Caritas in Veritate, ang pagpapalago sa sektor ng agrikultura ay susi sa pagputol sa mga sanhi ng food insecurity o kagutuman.

Mga Kapanalig, nawa’y dinggin ng Kongreso ang kahilingan ng Bangko Sentral, at aksyunan sa lalong madaling panahon ang pagsasabatas ng mga pag-amyenda sa kasalukuyang Agri-Agra Law. Ito ang mga batas na mas mahalagang paglaanan ng kanilang oras at lakas, sa halip na magsimula nang mangampanya sa eleksyon o magpasá ng mga batas na interes ng mga dayuhan ang isinusulong.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 9,881 total views

 9,881 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 17,362 total views

 17,362 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 30,502 total views

 30,502 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 36,475 total views

 36,475 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 42,229 total views

 42,229 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 9,882 total views

 9,882 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 17,363 total views

 17,363 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 30,503 total views

 30,503 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 36,476 total views

 36,476 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 42,230 total views

 42,230 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 40,791 total views

 40,791 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 41,875 total views

 41,875 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 37,256 total views

 37,256 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 49,260 total views

 49,260 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 57,302 total views

 57,302 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 48,859 total views

 48,859 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 47,284 total views

 47,284 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 49,070 total views

 49,070 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 45,995 total views

 45,995 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 60,309 total views

 60,309 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top