Task Force Ventura, binuo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 713 total reads

Tiniyak ng Philippine National Police Region 2 ang masusing imbestigasyon upang mabigyang katarungan ang pagkamatay ni Rev. Fr. Mark Anthony Ventura na binaril ng hindi pa nakikilalang salarin dakong alas-otso ng umaga matapos ang kanyang misa sa Brgy. Peña Weste, Gattaran,Tuguegarao, Cagayan.

Ayon kay PNP Region 2 Cagayan Provincial Police Office Spokesperson Police Senior Inspector Sharon Malilin, matapos ang insidente ay agad binuo ang Special Investigation Task Group Ventura upang tutukan ang pagbibigay katarungan sa kasong pagpatay.

Sinabi ni Malilin na kabilang sa tatlong motibo na kasalukuyang tinututukan ng mga otoridad ang insurgency o paghihimagsik laban kay Fr. Ventura, ikalawa ang masidhing adbokasiya ng Pari laban sa mga ilegal na gawain partikular na ang black sand mining at job related.

“Kagabi po meron na pong tatlong motibo na tinitingnan po natin yung sa Task Group Ventura po. So meron po tayo nung una po yung sa insurgency related and then yung pangalawa po is yung strong advocacy po ni Father against illegal activities and yung sa against sa black sand mining, yung pangatlo pong tinitingnan nating anggulo po is yung job related kung saan some subbordinates are not given in favor para maimpost po yung disiplinary actions po”pahayag ni Malilin sa panayam sa Radyo Veritas.

Ibinahagi ni Malilin na batay sa naging pakikipanayam sa ilang mga testigo na nakasaksi ay nagtanong pa ang mismong gunman sa isang sakristan upang malaman at tiyakin na si Fr. Ventura ang pari na katatapos lamang magmisa bago ang pamamaril.

Gayunpaman, walang sinuman sa mga nakasaksi sa insidente ang nakakilala sa mga pumatay kay Fr. Ventura sapagkat naka-helmet at wala ring plaka ang motor na ginamit ng mga ito.

Sa kabila nito, umapela ng pakikipagtulungan ng mamamayan si Malilin upang matunton ang pagkakakilanlan at kinaroroonan ng mga pumatay kay Fr. Ventura.

Naunang nagpahayag ng lubos na pagdadalamhati, paghihinagpis at pagkundina si Tuguegarao Archbishop Sergio Utleg sa marahas na pagpaslang kay Ventura na nagbebindesyon sa mga bata at miyembro ng kuro na nakibahagi sa kanyang katatapos na misa.

“We just lost a young priest zealous and dedicated one who smells like the sheep to one’s assassin’s bullet right after he said mass and was baptizing children; we condemn in strongest terms this brutal and cowardly act…” pahayag ni Archbishop Sergio Utleg.

Si Father Ventura ay 37-taong gulang at 7-taon pa lamang bilang Pari.

Bago maitalaga bilang Director ng San Isidro Labrador Mission Station sa Barangay Mabuno, Gattaran ay nagsilbi ring Rector si Fr. Ventura sa Thomas Aquinas Major Seminary sa Aparri, Cagayan.

Naging in-charge rin si Father Ventura ng Social Apostolate on Migrants, Director ng Mission Office under ng Commission on Worship, at Assistant Chairman ng Commission on Seminaries and Vocation sa Archdiocese of Tuguegarao.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 50,851 total reads

 50,851 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 172,424 total reads

 172,424 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 257,792 total reads

 257,792 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 304,532 total reads

 304,532 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 352,398 total reads

 352,398 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 448,030 total reads

 448,030 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top