Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Terorismo at karahasan, hindi nagmumula sa relihiyon

SHARE THE TRUTH

 287 total views

Labis ang pasasalamat ni Archbishop Salvatore Rino Fisichella – President ng Pontifical Council for Promoting the New Evangelization sa kanyang mayamang karanasan sa tatlong araw na Philippine Conference on New Evangelization.

Ayon sa Arsobispo, isang karangalan na makasama ang libo-libong nakilahok sa pagtitipon, at ang mga kabataang puno ng enerhiya sa paglilingkod sa Panginoon.

Dahil dito, hinamon ng Arsobispo ang mga mananampalatayang Filipino na maging responsible sa pagpapahayag ng salita ng Diyos at mahalin ang ating kapwa.

Dagdag pa nito, mahalaga na huwag tayong matakot at magpadaig sa mga limitasyon ng tao na ipahayag ang kabutihan ng Panginoon at ipagtanggol ang pananampalatayang Katoliko.

“I am very grateful for this experience… The message that I can give is that, first of all we should be responsible for new evangelization. Responsible comes from love, and if you love you are responsible for the other, and for this reason when we discover the new evangelization, the task that Jesus gave to us we become responsible for the other, so don’t be afraid, don’t think only about the limit that you have, don’t be conditioned by the contradiction that everybody bring with us, don’t be afraid. But, first of all, take from a prayer and take from the encounter of Jesus Christ, the strength to announce him and the joy to live at the Gospel, pahayag ng Abp. Fisichella sa Radyo Veritas.

Samantala, ipinaalala naman ni Abp. Fisichella na ang terorismo at karahasang umiiral sa Pilipinas at sa iba pang panig ng mundo ay hindi nagmumula sa relihiyon.

Aniya, ang relihiyon ay mensahe ng kapayapaan mula sa Panginoon at ang karahasan ay nililikha lamang ng mga tao mula sa hindi pagkakaunawaan sa pananampalataya.

“We should remember that violence doesn’t come from any religion. Religion is a message of peace, God gave to us a peace, no violence, violence comes from man, [and] violence comes from a misunderstanding of faith,” pahayag ng Arsobispo.

Kaugnay dito, hinimok ni Abp. Fisichella ang bawat isa na maging matapang at patatagin ang ating pananampalataya, upang sa pagharap natin sa karahasan ay madama ng ating kapwa ang pagmamahal ng Diyos na bunga ng ating pananampalataya, at hindi lumilikha ng anumang uri ng karahasan.

“For this reason we should be strong enough to say that, anytime we are in front of violence, we should know to reject it in the name of the Lord and in the name of our faith. Our faith is the capacity to be responsible for the others, but our faith means also to be able to love each other, with our limits and with our contradictions, but love doesn’t have any form of violence,” dagdag pa ni Abp. Fisichella.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Premyo para sa mga kaalyado?

 5,442 total views

 5,442 total views Mga Kapanalig, inabangan ng mga grupong nagsusulong ng mga bagong batas o ng mga pagbabago sa ating mga batas kung sinu-sino ang mga

Read More »

Senadong tumalikod sa tungkulin

 18,300 total views

 18,300 total views Mga Kapanalig, 19 sa 24 na senador ang pumabor sa mosyón na i-archive o isantabi muna ang impeachment case ni Vice President Sara

Read More »

INTEGRIDAD SA PAGGAMIT NG PERA

 92,601 total views

 92,601 total views Unfair! Bakit sa Kongreso lang, hindi lang pala sa Kongreso nakakalat ang mga linta sa salapi o pera ng taumbayan o kabangbayan. Lahatin

Read More »

CONGRESSMAN NAHULING NAKA-ONLINE SABONG

 148,330 total views

 148,330 total views Huling-huli sa akto., lulusot pa rin! Kapanalig, ito ang katotohanan na nagaganap sa ating Kongreso na binubuo ng ating kapita-pitagang mga mambabatas mula

Read More »

Mga sangandaan sa usapin ng enerhiya

 109,249 total views

 109,249 total views Mga Kapanalig, para kay Pangulong Bongbong Marcos Jr, kilalang-kilala raw tayo sa buong mundo dahil sa pagsusulong natin ng renewable energy. Sa kanyang

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Marian Pulgo

ConCon, ipinapanawagan ng isang mambabatas

 1,228 total views

 1,228 total views Nanawagan si Deputy Speaker at National Unity Party (NUP) chairman Ronaldo Puno sa pagsasagawa ng isang constitutional convention (ConCon) para muling pag-aralan at

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 175,787 total views

 175,787 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 119,633 total views

 119,633 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
1234567