ConCon, ipinapanawagan ng isang mambabatas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,255 total views

Nanawagan si Deputy Speaker at National Unity Party (NUP) chairman Ronaldo Puno sa pagsasagawa ng isang constitutional convention (ConCon) para muling pag-aralan at ayusin ang 1987 constitution upang alisin ang matagal nang malalabong probisyon at mga pagkukulang na nagpapahina sa batas at sa tiwala ng taumbayan.

Sa kanyang privilege speech sa Kamara, binigyang-diin ni Puno na ang ConCon ang pinakamabuti, malinaw, at may pinakamaraming nakikilahok na paraan upang maitama ang probisyon at maipatupad ang kinakailangang reporma.

Today, I submit to this august chamber that while the provisions of our Constitution are noble in aspiration, certain provisions are marked by ambiguity and procedural deficiency. These deficiencies do not merely complicate interpretation; they obstruct reform, hinder effective governance, and erode public trust,” ayon kay Puno.

Paglilinaw ng mambabatas, ang panukala ay hindi upang ipagwalang-bahala ang Konstitusyon, sa halip ay upang buuin at ayusin ito.

Ayon kay Puno, ang ConCon ay magbibigay sa mamamayan ng pagkakataon na “itama ang mga pagkukulang sa teksto, pag-isahin ang mga magkasalungat, alisin ang mga hindi malinaw, gawing permanente ang mga kinakailangang reporma, at tiyakin na ang batayang batas ng bansa ay akma sa pangangailangan ng isang masigla at demokratikong lipunan.
Sinabi ng mambabatas na sa ConCon ay may malinaw at iisang layunin, at hindi mahahati ang atensyon ng mga delegado sa paggawa ng batas, oversight, o impeachment.
Dagdag pa niya, maiiwasan ang conflict of interest, masisiguro ang mas malawak na representasyon, at mababawasan ang panganib ng mga desisyong pabor lamang sa pulitika.

Bilang halimbawa ng mga hindi malinaw o tumpak na probisyon, na tinukoy ni Puno ang salitang “forthwith” sa impeachment rules na naging sanhi ng “deadlock and controversy”; Walang malinaw na sistema kung paano pipiliin ang “representative of Congress” sa Judicial and Bar Council sa ilalim ng bicameral legislature; Kakulangan ng linaw kung joint o separate vote ang kailangan sa batas ukol sa tax exemptions; Kawalan ng tiyak na proseso sa pagbibigay ng presidential amnesty kung joint o separate voting at paulit-ulit na pagpapaliban ng barangay elections.

A Constitution that allows repeated legislative interference in electoral timelines, without limit, is a Constitution vulnerable to manipulation,” ayon kay Puno.
Binigyang-diin niya na bilang pangunahing batas ng bansa, dapat malinaw, matatag, at madaling maunawaan ang Konstitusyon ng hukuman, mambabatas, at lahat ng mamamayan na pinangangalagaan ang karapatan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 40,723 total views

 40,723 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 73,805 total views

 73,805 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 102,156 total views

 102,156 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 169,888 total views

 169,888 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 190,171 total views

 190,171 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top