VeritasPH

The Word, The Truth

 574 total views

Homiliya Para sa Ika-19 na Linggo ng Karaniwang Panahon, Ika-7 ng Agosto 2022, Lk 12:32-48

Pagkuhanan natin ng inspirasyon ang depinisyon ng pananampalataya sa pinaka-unang linya ng ating 2nd reading mula sa Heb 11:1, “Ang pananampalataya ay katuparan ng pinangangarap at katibayan para sa mga hindi pa nakikita.” Iuugnay natin ito sa tema ng pagiging MABUTING KATIWALA (good stewardship) na siya namang tema ng ating ebanghelyo.

Si Abraham ang ginawang huwaran ng ating second reading—dahil nagtiwala daw siya sa pangako ng Diyos—kaya iniwan niya ang bayang tinubuan at nanirahan bilang dayuhan sa ibang bayan. Nagtiwala din siya na magkakaanak pa siya sa katandaan, dahil pinangako din ito ng Diyos sa kanya. At hindi niya pinagkait na ialay ang anak niyang si Isaac, dahil din sa tiwala sa pangako ng Diyos!

Sa ebanghelyo, sabi ni Hesus, “Ikinatutuwa ng Ama na ipagkatiwala sa inyo ang kaharian.” Ibig sabihin, ang Ama ang magtatayo sa kaharian niya, hindi tayo. Pero kasama tayong magbibigay katuparan sa planong ito kung handa tayong makipagtrabaho sa kanya bilang mabuti at matapat na katiwala.”

Ito dalawang puntong ito ang pagtutuunan natin ng pagninilay: ang panampalataya bilang “katuparan ng pinangangarap” at “Katibayan para sa mga bagay na hindi pa nakikita.”

Ganyan naman talaga ang kinabukasan para sa tao, di ba? Laging nagsisimula sa isang layunin, isang pangarap. Para bang pinasisilip ng Diyos sa atin sa kasalukuyan ang hinaharap sa pamamagitan ng ating mga pangarap. Nangyayari ito lalo na sa ating pananalangin. Di ba sa ating pagdarasal, kahit mayroon tayong mga kahilingan, hinihiling pa rin natin na ang mga pangarap natin ay maayon sa kalooban niya para sa atin? Na sana’y ipaunawa niya sa atin ang plano niya para sa atin dahil nananalig tayo sa kanya. Pero kung minsan nakakalimutan natin na nananalig din siya sa atin.

Hindi naman mangyayari ang katuparan ng ating mga pangarap na para bang basta na lang mahuhulog mula sa langit. Sa Pilipino sinasabi natin, “Wala kang aanihin kung wala kang itinanim.” Ang batayan para sa aanihin natin sa hinaharap ay ang itinatanim natin sa kasalukuyan. Wala tayong aanihin bukas kapag hindi natin inalagaan ang itinanim na niya sa kasalukuyan. Kaya nga sa Ingles may salitang PONTENTIAL. Ibig sabihin, hindi pa nangyayari ngayon pero pwedeng pangyarihin.

Isipin ninyo ang maraming mga bagay na nagkatotoo na ngayong kasalukuyan pero pangarap lang ito noong nakaraan. Pag natupad, tinatawag natin ito sa Ingles na “answered prayers” or “wishes granted”. Halimbawa: pumasa sa board exam at ngayo’y isa nang duktor, o nangarap na magkabahay at ngayo’y nariyan na’t titirhan mo na. Hindi naman basta nahulog mula sa langit, di ba? Magandang balik-tanawin ang mga pinagdaanan na humantong sa katuparan ng isang pangarap.

Madalas kasi akala natin ang pagiging mabuting katiwala (o konsepto ng Stewardship) ay tungkol lamang sa mga materyal na bagay na nasa ating pangangalaga. Kasama din pala sa ang pangangalaga sa mga layunin, mga pangarap at panaginip. Mga bagay wala pa ngayon pero nasa anyo ng mga hangarin sa atin isip.

May isang kantang Espanyol na isinulat si Victor Jara na Tinagalog ng aking hipag na si Karina David at ang pamagat ay INIISIP KA. Sa una aakalain mo na isang simpleng romantikong awit ito. Hindi pala. Ang iniisip niya ay hindi lang ang minamahal kundi pati na ang mga pangarap na binubuo kasama ng kanyang minamahal. Sabi niya,

“Pag-uwi sa tahanan, iniisip ka, at hinahabi natin ang ating mga mga panaginip… Iniisip ka, mahal, iniisip ka. Ikaw kasama ng buhay at hinaharap, sa matamis na sandali ng ligaya at pakikibaka, sa simula ng kasaysayang di batid ang katapusan.”

Totoo ang sabi ni San Pablo. Ang pananampalataya ay may kinalaman hindi lang sa katuparan ng mga pinangangarap natin. May kinalaman din ito sa “katibayan para sa mga bagay na hindi pa natin nakikita sa kasalukuyan” (evidence of things not yet seen).

Maraming sa ating mga pangarap ang mananatiling hindi totoo o parang pantasya lamang kung walang batayan sa kasalukuyan. Kaya napakahalaga ng pagkilala sa grasya ng Diyos o mga biyayang pinagkaloob na sa atin sa kasalukuyan.

Hindi naman nagsisimula sa wala ang pagbubuo ng mga plano. Kahit na sinong arkitekto, aalamin muna niya ang lokasyon at sukat ng lotemg pagtatayuan, ang budget ng nagpapatayo, ang mga materyales na meron na at hindi na bibilhin, bago siya guguhit ng plano. Ganyan din ang Diyos sa tuluyan niyang paglikha at pagliligtas sa daigdig at sangkatauhan. Gumagaya lang tayo sa kanya dahil ginawa niya tayong kawangis niya.

Kaya nagsisimula tayo sa kung ano ang mayroon na tayo ngayon na pwede pang pagyamanin, paunlarin at pwedeng maging daan ng mas higit pang mga posibilidad. Kaya ang mabuting katiwala ay hindi naghahanap ng wala. Kinikilala muna niya ang meron na ngayon at ipinagpapasalamat. Di ba ganoon ang ginawa ni Hesus nang pakainin ang limanglibo katao? Sa mga alagad parang imposible, kaya ang suggestion nila, pauwiin na lang ang mga tao dahil hindi naman daw sapat ang dala nilang limang tinapay at dalawang isda. Ano ang ginawa ni Hesus, kinuha niya ang meron sila, ipinagpasalamat, hinati at ibinigay. At ang sumunod na parang imposible ay naging posible, kumain ang lahat at sumobra pa.

Kaya nga di ba, may kuwento rin si Hesus tungkol sa tatlong taong pinagkatiwalaan ng iba’t-ibang sukat ng ginto? Ano ang ginawa ng pangatlo? Imbes na gamitin niya ang ginto, ibinaon daw niya at isinoli sa amo na walang labis, walang kulang. Bakit siya napagalitan kung hindi naman nawala ang ginto? Kasi pinagtiwalaan siya ng amo, pero sinira niya ang tiwalang ito. Pinangunahan siya ng takot at kawalan ng tiwala sa sarili.

Kaya siguro KATIWALA ang translation natin sa Tagalog sa salitang Ingles na stewardship. Hindi lang ito tungkol sa tiwala ng tao sa Diyos. Higit sa lahat ito’y tungkol din sa tiwala ng Diyos sa atin na makiisa sa pagtupad sa mga pangarap niya para sa atin, mga pangarap na itinatanim niya sa ating mga puso at isip.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Mga payaso sa sirko

 1,588 total views

 1,588 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 17,574 total views

 17,574 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 25,619 total views

 25,619 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 30,699 total views

 30,699 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 36,405 total views

 36,405 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 2,613 total views

 2,613 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 7,029 total views

 7,029 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 2,355 total views

 2,355 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 2,878 total views

 2,878 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 4,377 total views

 4,377 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 5,221 total views

 5,221 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 3,476 total views

 3,476 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 7,689 total views

 7,689 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 6,922 total views

 6,922 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 11,134 total views

 11,134 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 4,582 total views

 4,582 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 4,586 total views

 4,586 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 4,586 total views

 4,586 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD COMPACT

 4,578 total views

 4,578 total views BLOOD COMPACT Homiliya para sa Kapistahan ng Corpus Christi, 2 Hunyo 2024 Markos 14:12-16, 22-26 Sa America, lalo na noong bago nag-pandemya, sanay sila sa double species na communion sa Misa. Bukod sa ostia, umiinom din sila sa konsagradong alak. Sayang hindi natin nakasanayan ito sa Pilipinas, sa kabila ng kultura natin sa

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IBIG KO PO SANANG MAKAKITA

 4,578 total views

 4,578 total views IBIG KO PO SANANG MAKAKITA Homiliya para sa Huwebes sa Ikawalong Linggo ng Karaniwang Panahon, a-30 ng Mayo 2024, Markos 10:46-52 Tutukan natin ng pagninilay ang tungkol sa halaga ng PAKIKIRAMDAM bilang bilang simula ng pagiging alagad. Husay sa PAKIKIRAMDAM ang translation ko ng ATTENTIVENESS. Nasabi ko na minsan sa inyo na sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top