Tiwala ng mga Pilipino sa China, lalong bumaba

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,873 total reads

Patuloy na bumababa ang tiwala ng mga Pilipino sa China habang tumataas naman ang antas ng pagdududa sa pamahalaan nito.

Batay sa pinakahuling survey ng OCTA Research nationwide survey nitong Hulyo 2026, nasa 14 porsiyento na lamang ang nagsabing nagtitiwala sila sa China, habang umabot naman sa 64 porsiyento ang mga Pilipinong nagpahayag ng kawalan ng tiwala.

Sa panayam ng Veritas Pilipinas kay OCTA Research fellow Professor Guido David, ang mababang trust rating ay hindi nakatuon sa mga mamamayang Chinese kundi sa pamahalaan ng China, lalo na kaugnay ng mga insidente sa West Philippine Sea.

Kabilang sa mga binanggit na dahilan ang sinasabing pangha-harass sa mga Pilipinong mangingisda, pakikialam sa operasyon ng Philippine Coast Guard, at iba pang tensyon sa karagatang sakop ng Pilipinas.

“Actually, yung tiwala ayon sa survey ay nasa 14% na lang, 14%. Tapos yung distrust ay nasa 64%. Tumaas yung distrust at bumaba yung trust. Pero i-clarify ko lang of course na at least ano namin, appreciation natin dito sa survey which was conducted July 2026 and it’s a nationwide survey. Na-generally tinutukoy naman nila dito, hindi naman yung kalahatang Chinese. Alam naman natin diba number one trading partner natin yung China. Yung economy nila ay importanteng ally sa ating business,” ayon David.

Nilinaw naman ni David na nananatiling mahalagang trading partner ng Pilipinas ang China at walang indikasyon ng poot o galit laban sa mga Chinese nationals na nasa bansa.

“Pero yung distrust, in general, yung appreciation natin towards the government dahil nga, yun nga, may mga ginagawang mga ano sa atin. Hindi kanais-nais na ginagawa nila sa ating territory sa West Philippine Sea. Sabi nyo nga yung parang panghaharas sa ating mga fishermen, kasama na doon pati yung sa ating Philippine Coast Guard na nasa, na-declare naman na ating territorial waters,” ayon kay David.

Ayon pa sa eksperto, isa rin sa posibleng nakaapekto sa pananaw ng publiko ang patuloy na pagpapalaganap ng propaganda online na nagmumula mismo sa pamahalaan ng China.

Samantala, pinakamataas ang naitalang distrust rating sa Mimaropa na umabot sa 94 porsiyento.

Ipinaliwanag ni David na maaaring may kaugnayan ito sa pagkakaiba-iba ng impormasyon at balitang natatanggap ng mga rehiyon, kabilang ang mga ulat at kaganapan kaugnay ng West Philippine Sea.
Dagdag pa niya, bagama’t may ilan pa ring Pilipino ang nagtitiwala sa China, nananatiling malaki ang epekto ng mga usapin sa seguridad at soberanya ng bansa sa pananaw ng publiko.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 6,546 total reads

 6,546 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 60,316 total reads

 60,316 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 145,681 total reads

 145,681 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 192,418 total reads

 192,418 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 240,289 total reads

 240,289 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 341,263 total reads

 341,263 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top