Tiyaking sapat ang suplay ng pagkain sa Pilipinas.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,366 total reads

Ito ang mensahe ni Florinda Lacanlalay, Hapag-Asa Integrated Nutrition Program consultant, kay Pangulong Ferdinand Marcos Junior bilang kalihim ng Department of Agriculture (DA).

“The fact na pinili niya yung Department of Agriculture na maging head siya ng departamento thats the kind of importance na ibinibigay niya doon sa food security kasi nga alam niya na importanteng-importante yan sa mga Pilipino,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Lacanlalay.

Ayon kay Lacanlalay, matitiyak ang food security ng bansa kung paiigtingin ng punong ehekutibo ang lokal na produksyon ng pagkain na pipigil sa mabilis na pag-taas ng inflation rate.

Iminungkhi ni Lacanlalay sa administrasyong Marcos ang pagpapababa sa mataas na presyo ng fertilizer, irigasyon at farm to market roads.

Umaasa ang opisyal ng Hapag-asa na matugunan ni Pangulong Marcos sa unang 100-araw ng kaniyang pamumuno ang mga suliranin ng kagutuman at malnutrisyon sa Pilipinas.

“Ang panalangin natin talaga bilang isang Pilipino, ang nais natin na magkaroon ng magandang buhay ang bawat Pilipino at yan ay para sa buong bansa at regardless political navigation, we call the other behind the new administration so that we can work together in helping the problems of the country,” pahayag ni Lacanlalay.

Ibinabala ni Peter Sands – executive director ng ‘Global Fund to Fight Aids, Tuberculosis and Malaria’ ang kakulangan sa suplay ng pagkain dahil sa digmaan ng Russia at Ukraine na balakid sa malayang kalakalan sa buong mundo.

Bilang kalihim ng DA, prayoridad ng Pangulong Marcos ang pagtugon sa mga suliraning kinakaharap ng mga magsasaka kasabay ng pagpapalakas ng lokal na produksyon ng pagkain partikular ang bigas, mais at karne.

Batay naman sa pinakahuling datos ng DA, umaabot naman sa mahigit 800 hanggang 2,300-piso ang presyo kada 50-kilo ng ibat-ibang uri ng fertilizers sa merkado.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 32,780 total reads

 32,780 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 64,052 total reads

 64,052 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 141,903 total reads

 141,903 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 236,132 total reads

 236,132 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 295,421 total reads

 295,421 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top