True leaders are discerning, paalala ng opisyal ng CBCP sa mga opisyal ng pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 25,879 total reads

Hinimok ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mananampalatayang Pilipino na higit na ipanalangin ang mga opisyal ng pamahalaan sa pagpapatuloy ng kanilang tungkuling maglingkod para sa kapakanan ng bayan.

Ito ang mensahe ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio kaugnay sa namumuong tensyon sa pagitan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa Obispo na siya ring chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care, mahalagang ipanalangin ang kaliwanagan ng puso at isip ng mga opisyal ng pamahalaan upang magkaroon ng naaangkop na desisyon at aksyon para sa kabutihan ng bayan.

Pagbabahagi ni Bishop Florencio, may direktang epekto sa buhay ng taumbayan ang mga gagawing desisyon ng mga opisyal ng pamahalaan kaya naman mahalagang ipanalangin ang tuwinang paggabay ng Banal na Espiritu sa mga halal na lingkod bayan.

“True leaders are supposedly discerning kong ano ang dapat gagawin nila. Kasi kong anuman ang kanilang gawin at sabihin will always have some repercussions para sa mga constituents. Ipagdasal natin sila at huwag tayo magpadala. As a people and community meron pa rin tayong magagawa. Listen to the promptings of the Holy Spirit.” Ang bahagi ng pahayag ni Bishop Florencio sa Radio Veritas.

Paliwanag ng Obispo, mahalagang maging alerto at mapagbantay ang bawat isa sa mga hakbang ng pamahalaan na dapat ay tuwinang para sa kabutihan at kapakanan ng bayan at ng taumbayan.

“Ang dapat manaig sa atin ay ang ‘good for the nation and its people.’” Dagdag pa ni Bishop Florencio.

Magugunitang sa naganap na prayer rally sa Davao City noong Linggo, ika-28 ng Enero, 2024 ay tinuligsa ni dating Pangulong Duterte ang People’s Initiative kung saan muli din nitong inakusahan ang pamilya Marcos sa pagtatangkang palawigin ang kanilang kapangyarihan at idawit pa ang pangalan ni Pangulong Marcos Jr. sa umano’y pagkakasama ng sa drug watch list ng Philippine Drug Enforcement Agency na una na ring pinabulaanan ng naturang ahensya.

Una ng binigyang diin ng Santo Papa Francisco na ang pulitika ang isa sa pinakamataas na paraan ng pagmamalasakit sa kapwa dahil sa dapat na pagtutok ng mga opisyal ng pamahalaan sa pagsusulong ng common good o ang makabubuti sa mas nakararami.

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 33,113 total reads

 33,113 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 183,706 total reads

 183,706 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 218,380 total reads

 218,380 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 234,280 total reads

 234,280 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 270,766 total reads

 270,766 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 278,304 total reads

 278,304 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 33,114 total reads

 33,114 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »
Scroll to Top