Tularan ang birheng Maria, panawagan ng Arsobispo sa kapistahan ng birhen ng Candelaria

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 22,677 total reads

Hinimok ni Jaro Archbishop Midyphil Billones ang mga mananampalataya na tularan ang pananampalataya at pagsunod ng Mahal na Birheng Maria sa patuloy na gawain ng Diyos para sa kaligtasan ng sangkatauhan.

Sa kapistahan ng Mahal na Birhen ng Candelaria, ibinahagi ng arsobispo ang nagpapatuloy na gawain ng kaligtasan ng Diyos sa kasalukuyang panahon, subalit binigyang diin na nangangailangan pa rin ito ng tugon ng tao tulad ng buong kababaang loob na pagtanggap ni Maria sa kalooban ng Panginoon.

“God continues the work of salvation. But just as He needed the yes of Mary, He needs your yes,” ayon kay Archbishop Billones.

Ipinaliwanag ng arsobispo na sa pamamagitan ng “ou” ni Maria ay naging huwaran ito ng pakikipag-ugnayan ng tao sa Diyos, hindi lamang sa pananampalataya kundi maging sa konkretong pagsasabuhay ng Kristiyanong pamamahala sa sangnilikha.

Binigyang-diin ni Archbishop Billones na ang halimbawa ng Mahal na Ina ay may malinaw na implikasyon sa kasalukuyang kalagayan ng lipunan, partikular sa usapin ng pamamahala at kabutihang panlahat.

“With her, we can say yes to stewardship of the nation, in purging out corruption and working for our common good,” ani ng arsobispo.

Bukod sa responsibilidad sa bayan, binigyang-halaga rin ng arsobispo ang tungkulin ng mga Kristiyano sa pangangalaga sa kalikasan bilang bahagi ng pananampalataya.

“With her, we can say yes to stewardship of creation in caring for our common home,” dagdag pa ni Archbishop Billones.

Sa kanyang mensahe, ginamit ng arsobispo ang salaysay sa pahahayag ni Anghel Gabriel sa mensahe kay Maria upang ipakita ang bigat ng desisyon ng Mahal na Ina dahil sa kanyang pagtanggap sa kalooban ng Diyos ay nagkaroon ng kaligtasan ang sanlibutan.

Hinikayat ni Archbishop Billones ang mga deboto na gawing makabuluhan ang pagdiriwang ng kapistahan sa pamamagitan ng aktibong pagsasabuhay ng pananampalataya at paglilingkod.

“When in faith and obedience you say yes to stewardship, you become the bearer of the light of change today,” ayon kay Archbishop Billones.

Ipinakilala ng mga misyonerong Kastila ang debosyon sa Nuestra Señora de la Candelaria sa lalawigan bilang paggunita sa kapistahan ng Pagdadala kay Hesus sa Templo.

February 2, 1981 nang pahintulutan ng Vatican ang canonical coronation sa imahe, ang kauna-unahang Marian image sa Pilipinas na kinoronahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 212,276 total reads

 212,276 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 246,949 total reads

 246,949 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 262,849 total reads

 262,849 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 299,339 total reads

 299,339 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 305,331 total reads

 305,331 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top