Tulungan ang mga apektado ng Russian invasion, patuloy na sinisikap ng Caritas Ukraine

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 814 total reads

Tiniyak ng Caritas Ukraine ang tulong sa mamamayan ng bansa na patuloy na naapektuhan ng digmaan dahil sa paglusob ng Russia.

Ayon kay Caritas Ukraine Communication Manager Odarka Bordun, libo-libong mga pamilya at residente ang patuloy na nagsisilikas dahil sa patuloy na pagkubkob ng Russia.

Aminado si Bordun, na hindi madali para sa kanilang grupo ang pagsasagawa ng humanitarian efforts dahil na rin sa panganib ng patuloy na sagupaan.

“Ukrainian cities are ruined by shelling. Thousands of people have to leave their home because of Russian aggression caritas Ukraine these days is doing everything possible and even sometimes impossible to assist and support people who suffered because of war. But the situation is extremely difficult and unpredictable,” mensahe ni Bordun sa pamamagitan ng isang video na inilabas ng Facebook page ng Caritas Internationalis.

Nagpapasalamat naman ang Caritas Ukraine sa mga dasal at suporta na ipinahahatid ng iba’t-ibang organisasyon at mga indibidwal mula sa international community.

“We appreciate all the people around the world who support us,” dagdag pa ni Bordun.

Sa kabila ng peligro na nararanasan ngayon sa bansang Ukraine ay sinisikap ng ilang mga tagapamuno ng Simbahang Katolika doon na magsagawa ng kani-kanilang mga paraan upang makatulong lalo na sa pamamagitan ng pagkupkop sa mga bata.

Dito sa Pilipinas ay nagpahayag na ng panalangin at pakikiisa ang mga lider ng Simbahang Katolika para sa kapayapaan at katiwasayan sa bansang Ukraine.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 16,296 total reads

 16,296 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 97,300 total reads

 97,300 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 191,525 total reads

 191,525 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 252,015 total reads

 252,015 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 265,074 total reads

 265,074 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 99,791 total reads

 99,791 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top