Tunay na reporma sa lupa, hamon sa mga bagong opisyal ng bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 969 total reads

Umaasa ang Obispo ng Diyosesis ng San Carlos na mabigyang pansin ang sektor ng mga manggagawa sa agrikultura sa bansa.

Ginawa ni Bishop Gerardo Alminaza ang pahayag kasabay ng pagdiriwang ng Simbahang Katolika sa kapistahan ni San Isidro Labrador na patron ng mga magsasaka.

Ipinagdarasal ng Obispo na mai-angat ang kabuhayan ng mga magsasaka at mabigyang prayoridad ang kanilang sektor na tumutugon sa pagkain ng sambayanang Filipino.

“I hope si San Isidro Labrador will intercede for our country especially sa kapwa niya manggagawa sa lupa na sana naman magbago na yung sistema na sila yung responsible nagbibigay ng pagkain sa ating mga lamesa, mabahaginan naman ng biyaya na makaahon din sila sa kahirapan,” pahayag ni Bishop Alminaza sa Radio Veritas.

Inihayag ng Obispo na si San Isidro ay nagsilbing halimbawa ng mga magsasaka na matiyagang nililinang ang lupang ipinagkaloob ng Panginoon.

Iginiit ni Bishop Alminaza na dapat ipagmalaki ng mga magsasaka ang kanilang marangal na trabaho na malaki ang ambag sa paglago ng lipunan at gawaing may dignidad.

“Model siya [San Isidro Labrador] ng manggagawa sa lupa ang ating mga magsasaka, most of our people sa Philippines talaga depends sa lupa and they can have really someone na mag-uphold sa dignity ng work,” ani ni Bishop Alminaza.

SAGAY 14 MASSACRE

Muling nanawagan si Bishop Alminaza sa mga kinauukulan ng masusing imbestigasyon upang makamit ng mga pinaslang na magsasaka ang tunay na katarungan.

Magugunitang noong Marso, labing-apat na magsasaka sa Negros Oriental ang nasawi sa isinagawang anti-criminality campaign ng Philippine National Police sa buong lalawigan.

Mariing kinundena ng iba’t ibang grupo kabilang na ng Simbahang Katolika ang marahas na pagpapatupad ng batas na ikinasawi ng mga magsasaka na inaakusahang miyembro ng makakaliwang grupo.

“Maybe this is the very good time again to bring it up again to call the attention sa mga nakaupo sa ating Department of Justice, Department of Agrarian Reform na sana mapursigi talaga ito [imbestigasyon].” saad pa ni Bishop Alminaza.

Nabatid na ililipat sa korte ng Metro Manila ang pagdinig sa kaso ng mga nasawing magsasaka para sa kaligtasan ng mga testigo.

PROGRAMA AT REPORMA SA MGA MAGSASAKA

Umaapela rin si Bishop Alminaza sa pamahalaan na paigtingin ang mga programa at batas para sa sektor ng pagsasaka.

Hinimok ng Obispo ang mga bagong halal na opisyal na ipatupad ang tunay na reporma sa lupa upang umunlad ang sektor ng pagsasaka at matiyak ang food security.

Naitala noong 2015 na umaabot na lamang sa 29.1 milyong indibidwal ang nasa sektor ng agrikultura.

Sa isang mensahe naman ni Pope Francis sa pagtitipon ng mga magsasaka sa Italya, ipinaabot ng Pinunong Pastol ng Simbahang Katolika ang pasasalamat sa sektor ng pagsasaka sa paglaan ng oras at panahon upang linangin ang lupang kaloob ng Panginoon sa sangkatauhan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 4,108 total reads

 4,108 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 43,698 total reads

 43,698 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 79,188 total reads

 79,188 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 305,458 total reads

 305,458 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 198,661 total reads

 198,661 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top