Tutulan ang mining exploration sa Giporlos at Balangiga, panawagan ng Diocese of Borongan sa lokal na pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 35,840 total reads

Nanawagan ang Diocese of Borongan sa mga lokal na pamahalaan ng Giporlos at Balangiga sa Eastern Samar na magpasa ng mga resolusyong tumututol sa mga aktibidad ng pagmimina kasunod ng pag-apruba ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) sa isang exploration permit sa dalawang bayan.

Sa pastoral position statement ng Borongan Diocesan Commission on Social Action–Justice and Peace (DCSA-JP), na inendorso ng Samar Island Partnership for Peace and Development (SIPPAD), sinabi ng diyosesis na bagama’t para lamang sa mineral exploration ang ipinagkaloob na permit na sumasaklaw sa humigit-kumulang 902.99 ektarya sa Giporlos at Balangiga, maaari itong maging unang hakbang tungo sa aktuwal na pagmimina.

“While the permit authorizes mineral exploration—not commercial mining—it marks the beginning of a process that may lead to mineral extraction. This makes it both timely and necessary for our communities and local government units to discern and express their position,” ayon sa Borongan DSCA-JP.

Binigyang-diin ng diyosesis na ang pangangalaga sa kalikasan ay isang moral na pananagutan at hindi dapat maisantabi ang kapakanan ng tao at ng mga susunod na henerasyon kapalit ng mga pangakong pang-ekonomiya.

Ayon pa sa pahayag, paulit-ulit nang napatunayan sa Samar ang mga panganib na kaakibat ng pagmimina batay sa karanasan ng mga pamayanan sa Bagacay, Homonhon Island, Manicani Island, at iba pang lugar na naapektuhan ng pagmimina at mineral exploration.

Kabilang sa mga posibleng epekto nito ang pagkasira ng kagubatan at watershed, kontaminasyon ng mga ilog at karagatan, pagkawala ng sakahan at pangisdaan, pagtaas ng panganib ng pagbaha, pagguho ng lupa, gayundin ang pagkakaroon ng hidwaan sa mga komunidad.

“Learning from the experiences of Bagacay, Homonhon, and Manicani, we believe that protecting our environment today is an act of justice for present and future generations,” ayon sa diyosesis.

Binigyang-diin ng Diocese of Borongan ang mahalaga ang pangangalaga sa likas na yaman ng Eastern Samar bilang panangga laban sa kalamidad at mahalagang pinagkukunan ng kabuhayan ng mga mamamayan.

Dahil dito, hinimok ng diyosesis ang mga Sangguniang Bayan ng Giporlos at Balangiga, gayundin ang mga barangay, na magpasa ng mga resolusyong tututol sa pagmimina upang mapangalagaan ang kalikasan at kapakanan ng mga susunod na henerasyon.

Nanawagan din ang simbahan sa iba’t ibang sektor na magkaisa sa pagsusulong ng kaunlarang kumikilala sa dignidad ng tao, pangangalaga sa sangnilikha, at kabutihang panlahat.

“The Diocese of Borongan remains steadfast in promoting peace, justice, and responsible stewardship of our common home,” saad ng diyosesis.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 6,766 total reads

 6,766 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 60,563 total reads

 60,563 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 145,928 total reads

 145,928 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 192,665 total reads

 192,665 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 240,536 total reads

 240,536 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 341,497 total reads

 341,497 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 170,088 total reads

 170,088 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top