Unahin ang pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka ng bansa.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,026 total reads

Ito ang panawagan ng Student Christian Movement of the Philippines (SCMP) sa Department of Agriculture sa paglulunsad ng ‘BayAni Kita’ Application.

Layunin ng programa na mailapit sa mga manggagawa sa sektor ng agrikultura ang mga makabagong kaalaman sa pagtatanim at pangingisda sa tulong ng internet at smart phone devices.

Ayon naman kay Kej Andres-Pangulong ng SCMP, bago ang karagdagang kaalaman sa teknolohiya ay kinakailangan munang magkaroon ang bawat magsasaka ng mga lupaing sasakahin.

Sa tala, walo sa bawat 10 magsasaka sa bansa ang walang sariling lupain na sinasaka.

“Bukas ang SCMP sa mga pagsulong sa teknolohiya na maaaring makapagpadulas ng mga transasksiyon at kabuhayan ng mga pesante. Ngunit sa mahal ng gadgets at ng internet load, maiging lalong priyoridad sana ang libreng pamamahagi ng lupa at mga programa upang iangat ang kalagayan ng mga magsasaka, lalo na’t 7 o 8 sa bawat 10 magsasaka ang walang lupa, bagay na ugat ng kahirapan sa kanila,” ayon sa pinadalang mensahe ni Andres sa Radio Veritas.

Kinikilala rin ng SCMP ang layunin ng kagawaran na ilapit ang interes ng kabataan sa agrikultura sa pamamagitan ng ‘BayAni Kita’ Application.

Pagbabahagi ni Andres, mahalagang maipabatid sa mga kabataan ang kahalagahan ng agrikultura dahil ito ang sektor ng pangunahing lumilikha ng pagkain sa bansa at pinaka nakakaranas ng paniniil dahil sa pag-agaw sa kanilang mga lupang minana.

“Mahalagang maunawaan ng kabataan ang halaga ng agrikultura dahil ito ang nagpapakain sa bansa. Kailangan ding maunawaan na ang sektor ng agrikultura ang pinakamahirap at pinakaaping sektor sa Pilipinas na inuugatan ng kawalan ng lupa, monopolyo sa lupa, land conversion, at pandarahas sa kanayunan. Ang pagpapalalim ng unawa sa tunay na kalagayan ng kanayunan ng bansa ay magtutulak lalo sa kabataan na makipamuhay at manindigan kasama nila,” ayon pa kay Andres.

Sa nagdaang pandemya, una ng nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa pamahalaan na bigyan ng karagdagang tulong ang mga magsasaka upang matiyak na mayroong sapat na suplay ng pagkain ang Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 800 total reads

 800 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 38,182 total reads

 38,182 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 69,453 total reads

 69,453 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 146,982 total reads

 146,982 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 241,168 total reads

 241,168 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top