Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Unang batingaw ng Balangiga bells, maririnig sa ika-15 ng Disyembre

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 934 total views

Mapapakinggan na ang unang batingaw ng kampana ng Balangiga sa pagbabalik nito sa Eastern Samar sa ika-15 ng Disyembre matapos ang higit isandaang taon.

Ito ang inihayag ni Msgr. Pepe Quitorio, Media Director ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) at head ng Balangiga Committee ng Borongan.

Ayon kay Msgr. Quitorio, inaasahan din ang pagdalo ng Pangulong Rodrigo Duterte, Defense Secretary Delfin Lorenza at Borongan Bishop Crispin Varquez, CBCP President Davao Archbishop Romulo Valles sa isasagawang turn over ceremony ng mga kampana sa mga opisyal ng simbahan.

“Duon sa Balangiga mayroong talks. Meron ding ‘viewing’ tungkol sa backgrounder ng nangyari noon. Magkaroon din ng ‘ringing of the bells’ and some minutes of silence para sa mga namatay sa encounter noong 1901,” ayon kay Msgr. Quitorio sa panayam ng Veritas Pilipinas.

Isang misa ng pasasalamat din ang isasagawa alas-4 ng hapon sa St. Lawrence Parish o kilala bilang Balangiga church kung saan maririnig na rin ang kauna-unahang pagtunog ng makasaysayaang kampana ng Balangiga.

Ang Balangiga bells ay tatlong kampana na kinuha ng United States Army sa bayan ng Balangiga noong 1901 – ang isa ay hawak ng Camp Red Cloud na nakabase sa Korea, habang ang dalawa naman ay nasa Warren Air Force Base sa Wyoming.

Unang tinangkang bawiin ng Pilipinas ang mga kampana ng noo’y pangulong Fidel Ramos, habang lumiham na rin ang Diocese ng Borongan noong 2005.

Sa pahayag noon ng CBCP sinabing hindi dapat gamitin ang mga kampana ng simbahan bilang mga tropeyo ng digmaan.

Taong 1950’s nang unang magtangka ang simbahan na bawiin mula sa mga Amerikano ang kampana na pag-aari ng simbahan.

Sa kaibla nito, tuwing ika-29 ng Setyembre taunang ipinagdiriwang sa Eastern Samar ang Balangiga Encounter bilang pagkilala sa kabayanihan at katapangan ng mga taga-Eastern Samar.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapayapaan na ba sa wakas?

 9,209 total views

 9,209 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 24,905 total views

 24,905 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Hindi solusyon ang kriminalisasyon

 33,305 total views

 33,305 total views Mga Kapanalig, kabubukás pa lamang ng mga klase nitong Hunyo, sinusubok na agad ang ating mga paaralan ng mga insidente ng karahasan.  Noong

Read More »

APAT NA DEKADA

 97,890 total views

 97,890 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 164,865 total views

 164,865 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top