Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

OFW’s, kinilala ng Simbahang Katolika

SHARE THE TRUTH

 289 total views

Kinilala ng Simbahang Katolika ang malaking ambag ng mga Overseas Filipino Workers sa bansa at higit sa lahat sa kani-kanilang mga pamilya.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, Chairman ng Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, higit na sakripisyo ang pinaiiral ng mga OFW sa paghahanapbuhay sa ibayong dagat kaya’t nararapat na bigyang pansin ang kanilang pagsusumikap.

“Our Church welcomes with gratitude and appreciation our balikbayan OFWs for their sacrifices and services to their families and to our country,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Ang pahayag ng Obispo ay kaugnay sa pagdiriwang ng buwan ng mga Overseas Filipino Workers na ginugunita tuwing Disyembre matapos italaga ng pamahalaan sa pamamagitan ng Proclamation No. 276 ang “Month of Overseas Filipinos” noong 1988.

Pinuri ng pinuno ng CBCP-ECMI ang mga manggagawa sa ibayong dagat sapagkat nakatutulong ito sa pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas.

“You build up our economy and much more you prepare a better and brighter future for your children,” ani ng Obispo.

Bukod dito, umapela si Bishop Santos sa mga uuwing OFW na gamitin ang pagkakataon na makipag-usap sa pamilya at magbahaginan ng mga kuwento lalo na sa mga kabataan upang maging makabuluhan ang pagsasama sa panahon ng Kapaskuhan.

Hinimok din ng Obispo ang mga magulang na makiisa at pagbuklurin ang pamilya sa pagdalo sa mga misa upang sama-samang mananalangin.

“We at CBCP ECMI appeal that you use and spend your time with your families, speak to your family members always and share your stories with your children. Bring them always to the Church, and attend the Simbang gabi and pray together.” pahayag ni Bishop Santos

Pinaalalahanan din ng Obispo ang pamilya ng mga OFW na maging matalino sa paggastos at paglalaan ng perang kinikita at tiyaking mapupunta sa mga mahahalagang bagay upang hindi maaksaya ang paghihirap sa pagtatrabaho na malayo sa piling ng pamilya.

Tiniyak ni Bishop Santos na kaisa ang buong Simbahan sa pagsusumikap ng higit sampung milyong OFW sa iba’t ibang panig ng mundo at patuloy itong ipinanalangin na gabayan sa bawat oras at iligtas sa tiyak na kapahamakan.

“Our Church cares for you and we are always praying for safety, sound health and your successes with your works and with studies of your children,” pahayag ni Bishop Santos.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 72,469 total views

 72,469 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 80,244 total views

 80,244 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 88,424 total views

 88,424 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 104,022 total views

 104,022 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 107,965 total views

 107,965 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top