Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

UP-PGH Chaplaincy, dismayado sa kakulangan ng pondo para sa 2024″

SHARE THE TRUTH

 5,455 total views

Dismayado ang Head Chaplain ng University of the Philippines-Philippine General Hospital (UP-PGH) Chaplaincy sa posibilidad na walang matatanggap na alokasyon ang pagamutan para sa susunod na taon.

Ayon kay PGH head chaplain, Fr. Lito Ocon, SJ, malaking pasanin ang kakaharapin ng institusyon sakaling tuluyang hindi mabigyan ng pondong kinakailangan para sa pagpapabuti ng serbisyong pangkalusugan.

Ang pahayag ng pari ay kaugnay sa 2024 budget hearing ng kongreso kung saan kabilang sa tinatalakay ang pinagtatalunang P125-milyong Confidential at Intelligence Fund (CIF) ng Office of the Vice President (OVP).

“It was easy for them to transfer P125-million to the OVP for CIF but so difficult to request even a fraction of their CF for hospital equipments,” pahayag ni Fr. Ocon sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi ng pari na ang malaki at kontrobersyal na pondong hinihiling ng tanggapan ng ikalawang pangulo ng bansa ay nakakaapekto sa ibang ahensya, institusyon, at tanggapang higit na nangangailangan ng pondo para sa basic social services.

Bagamat mayroong mga natatanggap na tulong at donasyon mula sa iba’t ibang indibidwal at grupo, iginiit ni Fr. Ocon na kailangan pa rin ng PGH ang suporta ng pamahalaan upang maipagpatuloy ang maayos na serbisyo lalo na sa mga mahihirap na pasyente.

“Ilang milyon lang naman sana ang kailangan ng PGH. Kung ginawa nila ‘yang pag-transfer ng funds to PGH or to any government hospitals, I don’t think may mag- complain… Nakakalungkot, nakakagalit, nakakainis pakinggan ang budget hearing kung paano sila gumagastos, at plano pang humingi ng malaking budget,” ayon kay Fr. Ocon.
Nagsimulang bumaba ang inilalaang pondo sa PGH noong 2020 nang lumaganap ang coronavirus pandemic sa bansa.

Sa General Appropriations Act of 2021, natanggap ng institusyon ang P6.9-bilyong pondo, P6.3-bilyon noong 2022, habang P5.9-bilyon naman ngayong taon.

Magugunita noong kasagsagan ng pandemya ay nanguna ang UP-PGH sa pagtanggap sa mga COVID-19 patients, habang nagpapatuloy naman ang chaplaincy sa aktibong pagtulong at pagtugon sa pangangailangan ng mga mahihirap na pasyente.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THEATRE OF THE ABSURD

 24,715 total views

 24,715 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 38,775 total views

 38,775 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 57,346 total views

 57,346 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 82,025 total views

 82,025 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

Sana ay mali kami

 17,009 total views

 17,009 total views Ito ang mariing pahayag ni Diocese of Lucena Ministry on Ecology director, Fr. Warren Puno, habang pinagninilayan ang sunod-sunod na sakuna at kalamidad

Read More »
1234567