2,338 total views
Pinangunahan ni Marbel Cotabato Bishop Cerilo Alan Casicas ang Misa De Apertura sa Santisimo Rosario Parish sa University of Santo Tomas Church.
Ito ay pagpapasinaya sa pagsisimula ng School Year 2023-2024 sa unibersidad na mag sisimula sa ika-9 ng Agosto 2023.
Hinimok ng Obispo ang mga mananampalataya higit na ang magsisimulang first year college students at mga mag-aaral ng UST na palagiang hingin ang paggabay ng Panginoon, ni Hesus At Espiritu Santo.
Ipinaalala ng Obispo sa mga mag-aaral at kawani ng UST na ang Espiritu Santo ay palaging nagiging gabay sa puso at isipan ng bawat isa sa paggawa ng kabutihan.
“If we live a life of self-empty on being centered on others, on being humble, self-sacrificing there are no better signs that we are being conform by the Holy Spirit in to the role of Christ, into the person of Christ,” ayon sa pagninilay ni Bishop Casicas.
Panalangin ng Obispo para sa mga mag aaral na maisabuhay ang katotohanan saan mang aspeto ng buhay at pagtugon sa pangangailangan ng kapwa higit na ang mga mahihirap.
Tiniyak naman ng University of Santo Tomas ang patuloy na pagtugon sa mga suliraning kinakaharap ng sektor ng edukasyon.
Ito ang mensahe ni Prof. Maribel Nonato, PH.D – Assistant to the Rector for UST General Santos City sa Discurso De Apertura na tinalakay ang Competent with Advanced-degree and Research Oriented Educators o C.A.R.E.S in the 21st Century Academic Institution.
Ayon kay Dr.Nonato, sa tulong ng pagpapatibay ng UST sa mga pagsasaliksik at iba pang uri ng pag-aaral ay napapatatag din ang pundasyon ng unibersidad upang makapagturo ng kalidad na mga paksa sa mga mag-aaral.
“The human capital with enhanced skills, capabilities and competencies is essential to the university’s operations while producing excellent output and outcomes,” ayon naman sa mensahe ni Dr.Nonato.
Inihayag din ng opisyal ang pagdagdag ng UST ng school branches kung saan nakatakdang bubuksan ang provincial campus Laguna at General Santos City.
Tiniyak rin ni Dr.Nonato ang pagpapaigting sa mga science based research sa agrikultura upang matulungang mapaunlad ang pinakamahirap na sektor sa bansa.