‘Violence, kills the future’-Pope Francis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,091 total reads

Walang kabutihang maidudulot ang karahasan sa lipunan, bagkus ay ang lalong pagiging mailap ng kapayapaan.

Ito ang mensahe ng Santo Papa Francisco sa Angelus na ginanap sa St. Peter’s Square sa Vatican hinggil sa lumalalang gulo sa pagitan ng mga bansa tulad ng Palestine, Israel, Ukraine, at Russia.

Iginiit ni Pope Francis kawalang pag-asa at pagkawatak-watak nang pamayanan ang tuwinang bunga ng digmaan na higit na nakakaapekto sa kabataan.

“Violence kills the future, breaking the lives of the youngest and weakening the hopes for peace.” bahagi ng pahayag ni Pope Francis.

Kinundena rin ng santo papa ang pang-atake sa Jerusalem noong nakalipas na linggo na ikinasawi ng batang Israeli habang marami ang nasugatan sa insidente.

Dalangin ng pinunong pastol ng simbahang katolika ang katatagan ng mga magulang at pamilya ng bawat nasasawi dulot ng karahasan sa bawat pamayanan.

Umaasa si Pope Francis na isulong ng bawat bansa ang daan ng pakikipag-usap tungo sa mapayapang paglutas ng hidwaan.

“I hope that the Israeli and Palestinian authorities will be more concerned with the search for dialogue, building mutual trust, without which there will never be a peace solution in the Holy Land.” giit ng santo papa.

Batay sa pag-aaral ng Watson Institute, Brown University na pinamagatang ‘Costs of War’ noong September 2021 halos 400, 000 sibilyan ang napaslang sa Iraq, Afghanistan, Yemen, Syria, at Pakistan matapos ang pang-atake sa Amerika noong September 11, 2001.
Apela ni Pope Francis sa mananampalataya na magbuklod sa pananalangin upang makamtam ng buong daigdig ang kapayapaang tinatamasa ng bawat isa at magtulungang isulong ang diyalogo sa kabila ng pagkakaiba ng pananampalataya, pananaw, at kulturang kinaaniban.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Troublemaker

 36,961 total reads

 36,961 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 84,832 total reads

 84,832 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 188,780 total reads

 188,780 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 274,894 total reads

 274,894 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 343,231 total reads

 343,231 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top