Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

‘Virtual Wedding’, magpapahina ng kasagraduhan ng kasal

SHARE THE TRUTH

 628 total views

Tutol ang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa isinusulong na virtual wedding ng Kongreso bilang tugon sa banta ng pandemya.
Ayon kay Fr. Jerome Secillano-executive secretary ng CBCP-Permanent Committee on Public Affairs, ito ay tila pagpapababa ng kahalagahan at kasagraduhan ng kasal.
“I don’t think it’s going to be beneficial to people yung virtual wedding. It’s not going to be beneficial. I think you reduce, minimize the meaning, the celebration, the dignity and then the sanctity of marriage itself. And not thinking of the culture that we have reunion ‘yan, fiesta ‘yan. And then the law, you undermine the law that exist today na safeguard ito para mapanatili nga natin yung dignidad ng kasal,” ayon sa paliwanag ni Fr. Secillano sa kanyang programang ‘Veritasan’ sa Radyo Veritas.
Dagdag pa ng pari, hindi rin ito naayon sa kultura ng Pilipinas lalu’t ang pagdiriwang ng kasal ay isang mahalagang okasyon ng pamilya sa pagsasama-sama.
Paliwanag pa ni Fr. Secillano, hindi naman panghabang buhay ang pandemya para magkaroon ng batas sa pagpapakasal ng online.
Ang virtual wedding act ay kabilang sa mga tinalakay sa video conference ng House Committee on Revision of Laws at iba pang usapin sa pag-amyenda ng Executive Order 209 o ang Family Code of the Philippines.
Hunyo noong nakalipas na taon nang ipanukala ang Virtual Marriage Act ni Kabayan Party-list Representative Ron Salo. Sa ulat ang panukala ay nag-ugat dahil sa mga kasalang hindi natuloy dahil sa banta ng pandemya at pag-iral ng community quarantines sa buong bansa na nagbabawal sa maramihang pagtitipon. Duda rin ang pari na papayagan ang pagsusumite ng requirements at interview ng kasal sa pamamagitan ng service providers at zoom meeting “If you are going to do all these applications and submission of papers in person, bakit ang pinakamahalaga sa pagdiriwang hindi mo gawin in person din,” ayon pa kay Fr. Secillano.
Sa Lunes-February 15, ipatutupad na ng pamahalaan ang pagpapahintulot sa 50-porsiyento ng kapasidad ng simbahan sa mga pagdiriwang sa parokya sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine kabilang na sa National Capital Region.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Senadong tumalikod sa tungkulin

 13,183 total views

 13,183 total views Mga Kapanalig, 19 sa 24 na senador ang pumabor sa mosyón na i-archive o isantabi muna ang impeachment case ni Vice President Sara

Read More »

INTEGRIDAD SA PAGGAMIT NG PERA

 87,484 total views

 87,484 total views Unfair! Bakit sa Kongreso lang, hindi lang pala sa Kongreso nakakalat ang mga linta sa salapi o pera ng taumbayan o kabangbayan. Lahatin

Read More »

CONGRESSMAN NAHULING NAKA-ONLINE SABONG

 143,240 total views

 143,240 total views Huling-huli sa akto., lulusot pa rin! Kapanalig, ito ang katotohanan na nagaganap sa ating Kongreso na binubuo ng ating kapita-pitagang mga mambabatas mula

Read More »

Mga sangandaan sa usapin ng enerhiya

 104,168 total views

 104,168 total views Mga Kapanalig, para kay Pangulong Bongbong Marcos Jr, kilalang-kilala raw tayo sa buong mundo dahil sa pagsusulong natin ng renewable energy. Sa kanyang

Read More »

Abot-kamay pa ba ang pananagutan?

 105,278 total views

 105,278 total views Mga Kapanalig, ang desisyon ba ng Korte Suprema ay parang utos mula sa langit? Para ba itong utos ng hari na hindi mababali? 

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Economics
Jerry Maya Figarola

OPNE, nagpapasalamat sa tagumpay ng PCNE 11

 8,245 total views

 8,245 total views Nagpapasalamat ang Office of the Promotion on New Evangelization (OPNE) ng Archdiocese of Manila sa lahat ng Parokya, Donors, Benefactors, Volunteers at Partnered

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

Sumbong sa Pangulo website, inilunsad

 3,421 total views

 3,421 total views Inilunsad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong Agosto 11 ang “Sumbong sa Pangulo” website—isang online platform kung saan maaaring makita ng publiko

Read More »

Mamamayan, binigo ng Senado

 18,574 total views

 18,574 total views Binatikos ni House Committee on Public Accounts Chairman at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon ang pasya ng Senado na i-archive ang impeachment

Read More »
1234567