Vote selling, pagbibenta rin ng dignidad at kaluluwa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 424 total views

Ang pagbibenta ng boto ay maituturing na pagbibenta sa integridad, dignidad at kaluluwa ng isang tao.

Ito ang ibinahagi ni Sr. Zeny Cabrera, Program Coordinator ng Restorative Justice Prison Ministry ng Caritas Manila sa nalalapit na halalan.

Kaugnay nito, inamin rin ng Madre na maging sa loob ng mga piitan ay mayroon ding suhulan o vote buying tuwing sasapit ang eleksyon.

“Hindi lang sa loob ano, maski sa labas may Vote Buying pero ito nga ang dapat pagtulong tulungan natin na hindi dapat mangyari, kasi kapag-ipinagbili ang iyong boto parang ipinagbili mo ang iyong kaluluwa nawawalan ka ng integridad, dignidad bilang tao kasi yung iyong pagiging makasarili, pag-ipinagbili mo ang iyong boto, ipinagbili mo ang iyong karangalan…” pahayag ni Sister Cabrera sa Radio Veritas.

Inihayag ni Sr. Cabrera na mahalagang linisin at hubugin ang kalooban ng bawat tao mapa-bilanggo man o ordinaryong mamamayan upang magkaroon ng paninindigan sa pagsusulong ng mga tama at karapat dapat sa lipunan.

Kaugnay nga nito, patuloy rin ang kampanya ng Simbahang Katolika sa Huwag Kang Magnakaw Campaign batay sa Ika-Pitong Utos ng Panginoon, kung saan maituturing na pagnanakaw sa dangal at kalayaan ng bayan ang pagbebenta ng boto sa mga makasariing kandidato.

Samantala, batay sa tala ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) tinatayang umabot sa 42,252 ang bilang ng mga bilanggo na mayroon paring karapatan at pagkakataong makilahok sa halalan.=

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 58,668 total views

 58,668 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 133,282 total views

 133,282 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 213,361 total views

 213,361 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 256,500 total views

 256,500 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 254,109 total views

 254,109 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top