Voter’s education ng Diocese of Malolos, pinalawak pa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 895 total reads

Aktibo ang isinasagawang programa ng Diyosesis ng Malolos upang gabayan ang mga mananampalataya para sa paghahanda sa nakatakdang halalan bansa.

Ayon kay Malolos Bishop Dennis Villarojo, bahagi ng misyon ng mga pastol ng Simbahan na gabayan ang bawat botante na maging responsable tungo sa ganap na pagpapaunlad at pagpapaangat sa buhay ng bawat Pilipino.

Inihayag ng Obispo na ito ang layunin ng binuong module ng Commission on Social Action ng diyosesis na pinangungunahan ni Rev. Fr. Efren Basco na may temang “Paghubog tungo sa isang makatarungan at mas makataong lipunan” para sa nakatakdang halalan.

“Hinahangad namin bilang inyong mga pastol ng ating Simbahan na ang kawang ipinagkatiwala sa amin ay aming samahan sa paglalakbay upang pakinggan, alagaan, mapaunlad at maingat na maihatid sa buhay na ganap at kasiya-siya. Kaya ang ating Commission on Social Action sa pangunguna ni Fr. Efren Basco ay nagsagawa at bumuo ng isang module para sa darating na National and Local Elections na may temang “Paghubog tungo sa isang makatarungan at mas makataong lipunan,” pahayag ni Bishop Villarojo.

Ipinaliwanag ni Bishop Villarojo na mahalaga ang pagsisilbing gabay ng Simbahan sa bawat botante para sa wasto at matalinong pagpili at pagsusuri ng mga ihahalal sa darating na halalan.

Iginiit ng Obispo na sa pamamagitan ng gabay ng mga turo ng Simbahan ay maiiwasan ng mga botante na malinlang ng mga kasinungalingan at pagkukunwari ng mga kandidato.

“Layunin nito na ipakita sa atin kung papaanong nananawagan ang Diyos na makilakbay at pangunahan tayo ng Simbahan upang timbangin at hasain ang ating wastong pagpili ayon sa turo ng Diyos at hindi ayon sa mapanlilang na masasamang lingkod ng ating lipunan na ang tanging iniisip ay ang kanilang kasaganahan at hindi upang hilutin, pagalingin at alagaan ang bayang ipinagkatiwala sa kanila,” dagdag pa ni Bishop Villarojo.

Ipinaalala pa ng Obispo ang kahalagahan ng sama-samang pananalangin at pagkilos upang biyayaan ng Panginoon ang bayan ng mga pinuno na tunay na isasantabi ang pansariling interes upang unahin ang kapakanan ng kanyang kapwa.

Pinangungunahan ng iba’t ibang kumisyon ng Diyosesis ng Malolos ang mga programa upang gabayan ang mga botante kabilang na ang Commission on Social Communications na nangangasiwa sa Voters’ Discernment Campaign na may titulong Saan Tayo? – Si Jesus ang susundan, aking paninindigan; Diocesan Commission on Youth na nangangasiwa sa Voters’ Youth Empowerment na tinaguriang May Bilang Ka! Kabataan, May Bilang Ka! ; at Commission on Social Action na siya namang nangangasiwa sa Voters’ Education Campaign sa diyosesis na may titulong Lead My People.

Binigyan-diin ni Bishop Villarojo na nakasalalay sa boto ng bawat isa ang kinabukasan ng buong bansa.

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 16,388 total reads

 16,388 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 6,089 total reads

 6,089 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 87,694 total reads

 87,694 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 181,919 total reads

 181,919 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 242,409 total reads

 242,409 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 256,000 total reads

 256,000 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 16,389 total reads

 16,389 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »

Sacred music, mahalaga sa liturgy

 17,919 total reads

 17,919 total reads Binigyang-diin ni Pope Leo XIV ang mahalagang papel ng sacred music sa liturhiya, partikular sa Banal na Misa, bilang tulong upang higit na

Read More »
Scroll to Top