VP Duterte, hinimok ng Pari na harapin at linawin ang alegasyon ng korapsyon sa publiko

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 27,387 total reads

Nanindigan ang Simbahan sa pagtanggol ng moral na prinsipyo, katarungan, at kapakanan ng mga walang boses sa lipunan kasunod ng paghahain ng ikatlong impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Rev. Fr. Joel Saballa, Deputy Executive Director ng Caritas Novaliches, ang hakbang ng Simbahan ay hindi pakikialam sa pamamahala ng gobyerno kundi isang panawagan para sa pananagutan at integridad sa paggamit ng pondo ng bayan.

“Ang Simbahan ay hindi naghahangad po na makialam sa pamamahala ng gobyerno, kundi yung pagtatanggol ng prinsipyo po ng moral at kapakanan po ng mga voiceless ng ating lipunan. Ang pagluhog po namin ay hindi politikal, kundi pag-alaala doon sa supposed to be na gagamitin para sa mga bata; ginamit nila sa ano—sa mga kabalbalan. Do’n po tayo—yung prinsipyo po ng pagkapantay-pantay ng hustisya,” pahayag ni Fr. Saballa sa Radyo Veritas.

Nilinaw ng Pari, ang paghahain ng reklamo ay isang panawagan na pairalin ang prinsipyo ng pagkakapantay-pantay ng hustisya, anuman ang katayuan sa lipunan o posisyon sa pamahalaan.

Hinimok din ni Fr. Saballa ang Pangalawang Pangulo na gamitin ang pagkakataong ibinibigay ng Saligang Batas upang harapin ang mga alegasyon at linawin ang mga isyu sa publiko.

“Sana sa Vice President [Sara Duterte] gamitin mo’ng pagkakataon na ito, oportunidad na ibinibigay sayo ng konstitusyon legally. At sana gamitin mo ito upang ipaliwanag mo [ang mga alegasyon ng katiwalian] gamitin pagkakakaton [upang] linawin mo sa mga tao na yung mga akusasyon sa iyo ay mga walang basehan,” aniya.

Binigyang-diin ng Caritas Novaliches na ang paninindigang ito ng Simbahan ay nakaugat sa misyon nitong ipagtanggol ang dignidad ng tao, isulong ang katotohanan, at panatilihing buhay ang diwa ng pananagutan sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 72,647 total reads

 72,647 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 107,826 total reads

 107,826 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 143,126 total reads

 143,126 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 369,395 total reads

 369,395 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 258,808 total reads

 258,808 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top