Wakasan na ang “political dynasty” sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 968 total reads

Hindi dapat maging bahagi ng kultura ng Pilipinas ang umiiral na ‘political dynasty’ sa pamahalaan.

Ito ang binigyang diin ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo sa kanyang Pastoral Visit On-Air sa Radio Veritas kaugnay sa nakatakdang halalan sa susunod na taon.

Ayon sa Obispo, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity, bilang mga botante ay dapat tuldukan na ang pamamayagpag ng political dynasty sa bansa.

Sinabi ni Bishop Pabillo na bilang bahagi ng lipunan na humuhulma sa kultura ng bansa ay dapat na manindigan ang bawat mamamayan sa tuluyang pagwawaksi ng political dynasty.

Iginiit ng Obispo na nagsisimula sa kapangyarihan ng bawat isa na bomoto sa halalan ang pagbabago sa sistemang ito ng politika at pamamahala sa bansa para tuluyang matigil na ang paghahari ng iilang pamilya.

“We are part of the culture so we are not slaves of the culture, the culture is continuing building up so depende sa atin, tayo din ang magdidirect saan tatakbo yung culture. Simulan na natin ngayon kahit mag-isa lang ako na nagsisimula na nagsasalita ng ganun o hindi bumoto ng ganun mahalaga ang bawat boto natin.” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Binigyan diin ng Obispo na mahalagang kundinahin at iwaksi ang political dynasty sa pamamagitan ng hindi paghalal sa mga magkakamag-anak sa anumang posisyon sa pamahalaan.

“Ang mga pwede nating gawin na nakikita ko yung dalawa, una po denounce hindi tayo titigil ng pagdi-denounce ng political dynasty at pangalawa kapag ang isang kandidato ay tumakbo na siya ay kamag-anak ng isang kandidato huwag na natin botohin [iboto] at that very fact i-disqualify na natin siya, kahit na magaling pa siya.”dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Pinayuhan ni Bishop Pabillo ang mga botante na isaalang-alang ang ikabubuti ng bayan o ng mas nakakarami sa paghalal ng mga opisyal ng gobyerno.

Umaasa ang Obispo na mabuksan ang kamalayan ng bawat isa na ang political dynasty ang isang dahilan ng patuloy na korapsyon na nagaganap sa lipunan.

“Hindi mo dapat tinitingnan ang utang na loob mo, tingnan mo yung ikabubuti ng bayan, lumawak dapat ang ating paningin hindi mo siya binoboto para sayo, ang ibinoboto natin para sa ikabubuti ng bayan at ang political dynasty hindi po yan ikabubuti ng bayan at alam po natin na ang political dynasty ay naging dahilan ng maraming korapsyon kasi wala ngang pananagutan…” paliwanag ni Bishop Pabillo.

Ayon sa datos ng Center for People Empowerment in Governance (CenPEG), aabot sa 178 ang bilang ng mga ‘dominant political dynasties’ o kilalang angkan sa larangan ng politika sa bansa.

94 na porsiyento sa 80 na lalawigan sa Pilipinas ay mayroong political dynasty.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 254 total reads

 254 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 38,745 total reads

 38,745 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 265,017 total reads

 265,017 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 158,482 total reads

 158,482 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 252,499 total reads

 252,499 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top