Mamamayan, binalaan laban sa COVID-19 vaccine ng Johnson & Johnson

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 419 total views

Naniniwala ang dating pangulo ng Doctors for Life Philippines na hindi kailangan ng tao na magpabakuna laban sa coronavirus disease.

Ito ang pahayag ni Dra. Dolores Octaviano kaugnay sa isinasagawang vaccination program ng pamahalaan upang malutas na ang pandemyang COVID-19.

“This disease [COVID-19] is a mild viral disease. Kung i-compare mo pa nga siya sa influenza, mas mild pa yung COVID,” pahayag ni Octaviano sa panayam ng Radio Veritas.

Ipinaliwanag ng doktor na hindi kailangan ng tao ang bakuna dahil mayroong natural na panangga ang katawan ng tao laban sa epekto ng virus.

“Ang katawan ng tao, may natural immunity yan… Kaya nga ang tao ay may skin. The skin is the widest of all immune protection against foreign invaders. As long as the skin is intact, hindi makakapasok ‘yung bacteria sa ating katawan,” ayon kay Octaviano.

Samantala, nagbabala naman si Dra. Octaviano na ang isa pang COVID-19 vaccine na likha ng kumpanyang Johnson & Johnson ay nilikha gamit ang cell lines mula sa ipinalaglag na sanggol na nagpapakita ng paglabag sa moral na katuruan ng simbahan maging sa buhay ng tao.

Sa inilabas na pahayag ng United States Conference of Catholic Bishops, tinularan nito ang pahayag ng Vatican na nagsasabing “morally acceptable” na makatanggap ng COVID-19 vaccine na nilikha gamit ang cell lines mula sa mga ipinalaglag na sanggol kapag wala nang ibang mapiling bakuna.

Ngunit binigyang-diin ng U-S-C-C-B na hangga’t maaari ay dapat pumili ang mga Katoliko ng bakuna na malayo o walang halong sangkap mula sa mga ipinalaglag na sanggol.

Sa Pilipinas, hindi pa naman ito pinagpipilian upang maging bakuna para sa mga Filipino.

Kasalukuyan namang isinasagawa ng pamahalaan ang vaccination program para sa mga nasa priority list tulad ng mga healthcare worker para sa kaligtasan sa panganib na dala ng virus.

Nagsimula ang pagbabakuna noong Marso 1 makaraang dumating ang 600,000 Sinovac vaccines na donasyon ng China sa Pilipinas, habang dumating na rin sa bansa ang unang batch ng nasa higit 500,000 doses ng AstraZeneca vaccines.

Batay sa Food and Drug Administration, ang Sinovac vaccine na CoronaVac ay nasa 50-percent lamang ang efficacy rate kumpara sa AstraZeneca vaccine na nasa 60-percent ang epekto.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 21,205 total views

 21,205 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 71,219 total views

 71,219 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 67,088 total views

 67,088 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 102,994 total views

 102,994 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 110,488 total views

 110,488 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top