Walang doleout

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,520 total views

Tiniyak ng Caritas Manila na hindi doleout nakatuon ang mga programa ng Social Arm ng Archdiocese of Manila kundi sa tuluyang pag-ahon ng mga mahihirap sa kinalugmukang sitwasyon.

Ito ang mensahe ni Father Anton CT Pascual – Caritas Manila Executive Director sa pagdiriwang ng ika-71 taon anibersaryo ng Social Arm ng Archdiocese of Manila.

Ayon sa Pari, higit pang papatibayin ng Caritas Manila ang mga programang nakatuon sa pagpapabuti sa kalagayan higit na ng mga pinakanangangailangan hindi lamang sa Metro Manila maging sa alinmang bahagi ng bansa.

“Isang karangalan na makapaglingkod sa Diyos at sa mga dukha at siyempre, hindi natin niroromanticize ang kahirapan, ito ay dapat natin alisin at paglabanan sapagkat ang kahirapan ay hindi kaloob ng Panginoon, siya ay nagpunta upang bigyan tayo ng buhay na ganap at kasaya-saya kaya ang Caritas Manila we help the poor help themselves napakahalaga po niyan, tinutulungan natin ang mga mahihirap na matulungan ang kanilang sarili upang sila’y umulad, espritwal at materyal at ang potensyal na plano ng Diyos sa buhay nila ay magkaroon ng kaganapan,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Fr.Pascual.

Ikinalulungkot ni Fr.Pascual ang pag-aaral ng Social Weather Station (SWS) na umabot sa 59% ng mga Pilipino ang nagsasabing sila ay kabilang sa mahirap na sektor ng lipunan.

“Nakakalungkot sa Pilipinas dumami nanaman ang nagsasabing mahirap sila, more than 59% kaya sa mahihirap wag kayong mawawalan ng pagasa, nariyan ang simbahan, katulong natin at nariyan ang Panginoon na siyang sasaklolo sa atin,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Fr.Pascual.

Ilan sa mga programa ng Caritas Manila ang Caritas Damayan na tumutugon sa disasters at humanitarian aid response at pagpapakain sa mga nagugutom na Ina at sa mga batang biktima ng malnutrisyon sa pamamagitan ng Una Yakap at Munti Pagasa Project.

Kabilang din ang Youth Servant Leadership and Education Program, Caritas Manila Segunda Mana Program, Restorative Justice Programs at iba pang programa na nakatuon sa pagtulong sa mga mahihirap, kapos-palad na estudyante at persons deprived of liberty.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 31,638 total views

 31,638 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 205,572 total views

 205,572 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 183,205 total views

 183,205 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 246,167 total views

 246,167 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 263,591 total views

 263,591 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Donation campaign, isinagawa ng CWS

 461 total views

 461 total views Idinadaos na ng Church People Workers Solidarity o CWS ang donation drive para sa may tatlong-libong pamilyang nasunugan sa Parola Compound Binondo Manila.

Read More »

EILER, nagbabala sa Pax Silica agenda

 484 total views

 484 total views Nagbabala ang labor group na Ecumenical Institute for Labor Education and Research o EILER laban sa “Pax Silica” agenda sa Pilipinas. Pinangangambahan ng

Read More »
Scroll to Top